Josh Goes Digital

Josh Goes Digital Josh Goes Digital is a dedicated crew of marketing enthusiasts offering its services online in the fields of advertising and social media management.

UPDATE SA SOLO PARENTS GIFT-GIVINGMagandang araw sa lahat.Nararamdaman po namin ngayon ang hirap sa panahon ng Covid 19,...
12/05/2020

UPDATE SA SOLO PARENTS GIFT-GIVING

Magandang araw sa lahat.

Nararamdaman po namin ngayon ang hirap sa panahon ng Covid 19, kung kaya’t naisipan ng A. M. Reyes Store na kahit paano ay makihabagi sa ginagawang pagtutulungan ng ating komunidad.

Ngayong panahon na ng GCQ sa lalawigan ng Bataan, ang sektor po ng lipunan na napili naming damayan ay ang mga “Solo Parents”. Naniniwala po kami na kahit hindi panahon ng Covid 19, sila po ang sektor na nangangalingan ng higit na suporta lalo na't nag-iisa sila sa pagtaguyod sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Hindi lingid sa iba na ang nanay ko mismo ay isang “Solo Parent”. Naaalala ko pa po kung gaano kabata ang aking mga kapatid nang sila’y mawalan ng isang ama.

Sa mga naging sponsor sa katatapos lamang na pamamahagi, nawa’y pagpalain pa kayo lalo ng Poong Maykapal. Ang A. M. Reyes Store ay lubos na nagpapasalamat sa inyo.

Para sa kumpletong listahan ng mga nabahaginan, inyo po itong makikita sa loob ng FBPage ng A. M. Reyes Store. Hanapin lamang po ang photo album na naglalaman ng id pictures ng mga nakatanggap sa ilalim ng titulong 50 SOLO PARENT BENEFICIARIES.

Muli, kami po ay nagpapasalamat sa inyong lahat.

ATE JOY

Upang magqualify sa "5 Kilong Biyaya handog sa 50 Orion MSWD Solo Parents", gawin lamang po ang sumusunod:1. I-click ang...
11/05/2020

Upang magqualify sa "5 Kilong Biyaya handog sa 50 Orion MSWD Solo Parents", gawin lamang po ang sumusunod:

1. I-click ang FBPage logo ng A.M.Reyes Store sa ad na ito.

2. Pagdating sa FBPage na A.M.Reyes Store, i-like ang buong page.

3. Pumili ng isa sa dalawang bersikilo sa Bibliya tungkol sa anak at ipadala sa A. M. Reyes Store sapamamagitan ng messenger button sa kanilang FBPage. (Itext ang AWIT 127:3 o di kaya’y KAWIKAAN 22:6)

A. AWIT 127:3 Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling pagpapalang mayro’ng galak

B. KAWIKAAN 22:6 Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan

4. At panghuli, maghintay ng text mula sa A. M. Reyes Store kung kelan kayo kinakailangang magsumite sa messenger ng litrato ng inyong Solo Parent ID na inisyu ng Orion MSWD bilang karagdagang requirement.

Bilisan ang pagsali sapagkat ang una lamang pong 50 sa lahat ng lalahok na siyang makatutupad sa mga hinihiling ang magqua-qualify.

Ang papalaring mapabilang sa 50 hahandugan ay kokontakin sa messenger upang ipaalam kung kailan pupunta sa A.M.Reyes Store sa Pamilihang Bayan ng Orion para tanggapin ang 5 kilong bigas. Huwag kalimutang dalhin ang original MSWD Solo Parent ID mula sa bayan ng Orion na kailangang may taglay na expiration date na Enero 01, 2020 pataas.

Alinsunod sa kahilingan ng mga sponsors, ang inyo pong Solo Parent ID ay kinakailangang makuhanan ng panibagong litrato habang hawak ng isang store representative.

Sa mga makakabasa, pakishare po ang Ad na ito sa inyong FB accounts upang makarating ang balita sa mga kwalipikadong solo parents.

Patuloy nawa pumatnubay ang Poong Maykapal sa ating lahat. Maraming salamat po.

Happy Mother's Day 💝 from A. M. Reyes Store family @ Orion, Bataan.
08/05/2020

Happy Mother's Day 💝 from A. M. Reyes Store family @ Orion, Bataan.

Address

Orion

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Josh Goes Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Josh Goes Digital:

Share