Brgy. Tangob, Padre Garcia, Batangas

Brgy. Tangob, Padre Garcia, Batangas "Tuloy ang Pagsulong, Tuloy ang Serbisyo"

19/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π†π€π‘π‚πˆπ€ππŽ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng Office of the President ngayong hapon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Batangas bukas, ika-20 ng Agosto, araw ng Huwebes, dahilan sa inaasahang masamang panahon dulot ng Habagat.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga paaralan na sakop ng nabanggit na anunsyo ay pansamantalang magpapatupad ng alternative learning modes.

19/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π†π€π‘π‚πˆπ€ππŽ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng Office of the President ngayong hapon, suspendido pa rin ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan ng Batangas bukas, ika-20 ng Agosto, araw ng Huwebes, dahilan sa inaasahang masamang panahon dulot ng Habagat.

Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.

18/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π†π€π‘π‚πˆπ€ππŽ

Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kaugnay ng inaasahang masamang panahon dulot ng Habagat, suspendido ang face-to-face classes mula Pre-school hanggang Senior High School sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Padre Garcia bukas, ika-19 ng Agosto, araw ng Miyerkules.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga paaralan na sakop ng nabanggit na anunsyo ay pansamantalang magpapatupad ng alternative learning modes.

17/08/2026

MAHALAGANG ANUNSYO!

Mga kabarangay, Ipinababatid sa lahat na ang MR-SIA na nakatakda bukas, Agosto 18, 2026, ay HINDI MUNA MATUTULOY dahil sa masamang panahon.

Mangyaring maghintay ng karagdagang abiso hinggil sa bagong petsa at iskedyul kung kailan ito muling itutuloy.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Manatiling ligtas at mag-ingat sa masamang panahon.

17/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π†π€π‘π‚πˆπ€ππŽ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong lalawigan ng Batangas bukas, ika-18 ng Agosto, araw ng Martes.

Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.

17/08/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π†π€π‘π‚πˆπ€ππŽ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 na inilabas ng Office of the President ngayong hapon, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Batangas bukas, ika-18 ng Agosto, araw ng Martes.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga paaralan na sakop ng nabanggit na anunsyo ay pansamantalang magpapatupad ng Alternative Learning Modes.

Announcement!Measles Rubella para sa ating mga bata mula 6-59 months
10/08/2026

Announcement!
Measles Rubella para sa ating mga bata mula 6-59 months

PROTECT OUR KIDS, PROTECT OUR FUTURE! https://www.facebook.com/100067536871606/posts/1356345486626668/?mibextid=wwXIfr&r...
31/07/2026

PROTECT OUR KIDS, PROTECT OUR FUTURE!
https://www.facebook.com/100067536871606/posts/1356345486626668/?mibextid=wwXIfr&rdid=EaI87KPtSgdZDSTx #

Ang Ligtas Tigdas 2026 o Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity with Vitamin A Supplementation (MR-SIA VAS) ay ang pambansang kampanya ng Department of Health (DOH) na isasagawa mula Agosto 10–28, 2026 upang maprotektahan ang mga batang edad 6–59 buwan laban sa tigdas at tigdas-hangin.

Mahalagang katuwang ng DOH ang Philippine Pediatric Society sa kampanyang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa bakuna, paghikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak at pagsuporta sa mga gawaing naglalayong mapataas ang vaccination coverage para sa mas ligtas at malusog na komunidad.

Maligayang Kaarawan, Mayor Celsa B. Rivera!Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, la...
28/07/2026

Maligayang Kaarawan, Mayor Celsa B. Rivera!

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang pagpapala upang maipagpatuloy ninyo ang tapat at mahusay na paglilingkod sa ating bayan.

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at inspirasyong ibinibigay sa ating mga kababayan. Hangad namin ang higit pang tagumpay, kaligayahan, at kapayapaan para sa inyo at sa inyong pamilya.

Nawa'y maging makabuluhan at puno ng pagmamahal ang inyong espesyal na araw. God bless you always!

Pagbati mula sa barangay at mamamayan ng Brgy. Tangob

Address

Tangob
Padre Garcia
4224

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Tangob, Padre Garcia, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share