27/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
Mas pinagtibay ng 7th Infantry (Kaugnay) Division ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan nito sa mga kinatawan ng media sa pamamagitan ng Media Fellowship na isinagawa sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ngayong ika-27 ng Hunyo 2026.
Sa ilalim ng temang โStrengthening Partnership for Responsible Public Information and Strategic Communication,โ layunin ng aktibidad na higit pang mapatatag ang ugnayan ng mga mamamahayag, content creators, at military communicators upang maisulong ang responsable at tumpak na paghahatid ng impormasyon sa publiko.
Pinagsama-sama ng Kaugnay Division ang mga media partners mula sa Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Bataan, Zambales, Pangasinan, at Bulacan para sa naturang pagtitipon.
Naging tampok sa programa ang pagpapakilala at panunumpa ng mga bagong miyembro ng One Fort Magsaysay Media, Inc., kasabay ng mga talakayan hinggil sa strategic communication at pamamahala ng impormasyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni LTC Rogelio A. Dumrigue Jr, Chief ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 7ID, ang kahalagahan ng pagpapatibay ng mekanismo para sa lehitimong pagpapalaganap ng impormasyon bilang bahagi ng pagsugpo sa pagkalat ng fake news.
Samantala, binigyang-diin naman ni Maj. Brian Malinao, Deputy Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations, ang mahalagang papel ng media bilang tulay ng institusyon sa publiko. Aniya, ang responsableng paghahatid ng impormasyon ay nakatutulong sa pagpapatibay ng tiwala ng mamamayan.
Hinimok naman ni Col. Racii Alejandro G. Sotto, Assistant Division Commander for Operations, ang patuloy na pagkakaisa at pakikipagtulungan ng mga kawani ng media sa pagsusulong ng tumpak at mapanagutang pagbabahagi ng impormasyon. | Ulat ni Ricky Casipit, Radyo Pilipinas Dagupan.