MAMIE JEL

MAMIE JEL Hi everyone, I am MAMIE JEL a loving, faithful, hardworking and mostly bungangera mom. :D

23/01/2024

Umpisa palang ng taon mga ka nanay pero maraming stress, lungkot at iyak ang binigay ni 2024. Bakit ang unfair ng mundo? ang unfair kasi kahit lumaban ka ng patas may tao prin na ndi yung dedicated mo ang titignan nila pag humihingi ka ng tulong parang ang hirap nila ibigay yun kasi dhil sa crab mentality nila na akala mo ikka angat mona bigla at yun nman ang ikka bagsak nila. Ang hirap pala mging mahirap ka nanay kasi khit anong sipag mo anong doble kayod mo anong skit ng katawan at pagod nararanasan mo parang ang hirap mo parin abutin yung pangarap na gusto mo khit ang simple lng naman ng pangarap mo. Minsan maiisip mo nlng bat kapa andito sa mundo kung dimo naman mbigay yung want at needs ng pamilya mo kahit alam mo na simple lang ang gusto nila. Nakakalungkot isipin na yung mga kasabayan mo ang gaganda na ng mga buhay nila, bakit kasi di lang dhil sa pag susumikap nila dhil may mga tao na nakapaligid sknila na pinilit isang iangat tulungan at ibangon. Ilan laban pa kaya susuungin ko bago ko makamit yung success na tinatawag nila? bago ko maranasan naman na mas marami yung pahinga ko khit sa isang araw lang kesa yung pagod na nararamdaman ko? yung iba sabi nila masarap daw mabuhay sa mundo masarap kasi meron silang nasasandalan meron silang tatakbuhan pero ako wala kasi sariling sikap sariling kayod. Pero salamt parin sa Panginoon dhil hndi nya ko pinabayaan hndi nya ko binigyan ng kahit anong sakit. SALAMAT PARIN PANGINOON SA BLESSING KAHIT MARAMING PAGSUBOK . LABAN LANG :)

Naranasan nyo na din ba mapagod? yung kakaisip ng mga problema, at iba pa.Minsan aminin nating mga NANAY, nakakapagod na...
15/06/2023

Naranasan nyo na din ba mapagod? yung kakaisip ng mga problema, at iba pa.
Minsan aminin nating mga NANAY, nakakapagod na sa lahat ng aspeto araw araw. Napapaisip ka na lng na parang ayaw mo ng bumangon sa isang araw kasi mas gusto na lang ng sarili mong humilata at baka sakali maibsan nito ang pagod mo. Sa paulit ulit na daily routine mo bilang isang hardworking mommy gigising ng maaga mag luluto para sa anak at asawa na pumapasok din sa trabaho asikasuhin ang bata na papasok sa eskwela at pagkatapos nito oras mo naman para ikaw ang mag almusal at maghanda para sa pagpasok ng trabaho. Pagkatapos ng walong oras uuwi sa bahay para naman mag asikaso ng hapunan hilamusan at bihisan ang anak na sobrang pawis galing sa paglalaro. Pagkatapos kumain oras naman para sa gawaing bahay na hindi mo nagagawa sa umaga dahil sa pumapasok ka rin sa umaga. At pagdating ng alas dyes ng gabi oras na para ikaw ay mahiga. Sa paulit ulit na ganyan ang ginagawa mo ka NANAY naiintindihan kita kung bakit isang araw parang nararamdaman mong pasuko kana hindi lang katawan mo kung lahat sayo. Pero you need to be strong may choice ka man o wala hindi na para sayo kung di para na din sa mga anak mo at sa asawa mo na katuwang mo sa araw araw. Lahat ng yan nkakayanan mo sa araw araw at pilit na kinakaya para sa anak mo at sa binuo mong pamilya kaya bilib ako sayo ka NANAY dahil isa kang superhero mom na dapat tangkilikin at ipagmalaki.

-MAMIE JEL

Address

PANIQUI TARLAC
Paniqui
2307

Telephone

+639367825638

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MAMIE JEL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MAMIE JEL:

Share