10/05/2026
“this is your sign na magsimula kahit kabado ka.” 🥹🌷
Sanay ako sa prints lang, kaya sobrang laking bagay nitong bagong ginagawa ko ngayon. Noong first week ng April, dahan-dahan akong bumili ng mga gamit habang iniisip kung may patutunguhan ba lahat ng to. Nag practice ako araw-araw kahit hindi ako sigurado sa sarili ko. Sobrang thankful ako kasi mom ko at partner ko yung unang naniwala at sumuporta sakin — sila talaga yung nag sponsor para makapag start ako. 🤍
Halos isang buwan akong puyat kakagawa. Yung tipong umaga na ako natutulog tapos gigising akong hapon kasi paulit-ulit akong gumagawa, nagkakamali, nagsisimula ulit. Minsan gusto ko nalang huminto kasi feeling ko hindi naman sapat yung gawa ko. Feeling ko walang bibili. Feeling ko hindi ako magaling.
Pero tinuloy ko pa rin.
Honestly, sobrang surreal parin sakin hanggang ngayon. Hindi ko inexpect na may susuporta talaga. Yung partner ko pa nga, siya pa yung unang bumili sakin kahit alam kong ginagawa niya lang yun para maramdaman kong kaya ko 😭 ganon pala yung pakiramdam kapag may taong naniniwala sayo kahit ikaw mismo hindi mo magawa sa sarili mo.
Kahapon, Mother’s Day… muntik na akong sumuko. May mga nag cancel last minute at parang gusto ko nalang umiyak habang tinitignan yung mga ginawa ko. Sobrang sakit isipin na baka walang kumuha sa mga pinaghirapan kong gawin habang puyat at pagod.
Pero biglang na sold out.
Hindi ko mapaliwanag yung saya at relief na naramdaman ko. Parang lahat ng puyat, doubt, pagod, at iyak ko… worth it pala kahit papano. 🥹
Thank you so much sa lahat ng bumili, nag support, nag share, at naniwala sa crafted by yahziah. Alam kong hindi pa perfect at hindi pa ganon kapulido yung mga gawa ko, pero pangako mas pagbubutihan ko pa lalo. This is only the beginning 😭🤍