24/05/2026
๐จ๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐ฑ๐๐ . ๐๐น๐๐ฒ๐ฎ ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐
Minsan hindi mo kailangan ng magnanakaw para matakot ka sa sarili mong subdivision. Minsan sapat na yung pakiramdam na imbes na protektahan ka, ikaw pa ang mapapahiya.
Madaling araw, around 5AM, nag-report ako tungkol sa nasirang car cover ko. (Paulit-ulit na pambubutas na hindi nahuhuli ang gumawa dahil sira daw ang CCTV) Gusto ko lang sana ma-check kung ano nangyari. Sinabihan ako na hindi raw maiwan ang pwesto dahil mag-isa lang ang guard.
Pero ilang minuto lang, nakita ko rin siyang naka-bike sa labas.
Bumalik ako sa guard house para magtanong at mag-video bilang documentation. Doon nagsimula ang hindi ko inaasahan.
โHoy, huwag kang magvi-video dito!โ
Pasigaw. Galit. Nakakabastos.
Habang nagtatanong ako nang maayos, lalo pang lumakas ang boses. Pinagbantaan pa akong bubuhusan ng tubig. Tinawag pa ako sa radyo na parang kriminal at sinabing โpick-upin at dalhin sa barangay, may topak yata ito.โ
Bilang babae at residente, sobrang nakakahiya at nakaka-trauma marinig iyon nang malakas habang ginagawa mo lang naman ang karapatan mong mag-report at magtanong.
Hindi ito tungkol sa pagiging โsensitive.โ
Hindi rin ito tungkol sa simpleng argumento.
Tungkol ito sa respeto.
Tungkol ito sa professionalism.
At tungkol ito sa awareness na walang sino man โ residente man o empleyado โ ang dapat bastusin, sigawan, o ipahiya.
Ang security ay dapat nagbibigay ng sense of safety, hindi takot at humiliation.
May video akong hawak bilang ebidensya at umaasa akong mabigyan ito ng tamang aksyon upang hindi na ito mangyari sa iba.
Sa lahat ng nakakaranas ng pambabastos pero natatakot magsalita โ valid ang nararamdaman ninyo. Speak up. Respect should never be optional.