21/06/2018
BASA BASA TAYO!😊
June 2013, wala akong pera. Gusto ko ibili ng bag at gamit sa school ang anak ko. HINDI ko magawa.
Bilang tatay, sobrang sakit non. At asawa ko ang lahat sumasalo ng lahat ng gastusin sa araw-araw at buwan-buwan. (Thank you Mommy)
Ito yung unang taon ko na pumasok ako sa pagnenegosyo na wala akong kinikita.
Kaya minsan, kapag ako na lang mag isa. Nag uumpisa ng manginig ang baba ko at magsimulang umagos ang luha ko. (Sinikreto ko 'yun. Walang nakaka alam nito, ako lang. Ssshhh...)
Para akong sundalo na nasa gitna ng gera na kahit tirador ay wala akong hawak.
Kasi nung mga oras na 'yun walang naniniwala sa ginagawa ko.
Gustong gusto ko na sumuko. Pakiramdam ko walang mangyayari sa'kin sa pagnenegosyo.
Imagine, naglabas na ako ng pera, effort at oras—wala talaga...
Fast forward today.
Kaya ko na ibigay ang mga gusto nila kahit mamahaling bag at sapatos pa.
BUTI NA LANG TALAGA NAGPATULOY AKO!
..hindi ako sumuko.
SANA ikaw na nagbabasa nito, wag mo sanang isipin na bigla na lang dumami ang pera namin at nagkaron ng madaming resulta.
Nanggaling din kami sa wala.
"WALANG ALAM"
Ang tanging pinanghahawakan lang namin ay "pangarap" namin. HINDI namin hinayaan na may magdidikta ng kapalaran namin.
Dahil ang totoo, ikaw lang talaga ang gagawa ng kinabukasan mo. Kung mahina ang loob mo—baka nga hindi mo makuha ang pangarap mo.
Pero kung sakaling malalagpasan mo 'yan. Siguro, baka yung nakikita mo samin ngayon—baka mahigitan mo pa.
Mag tiwala sa Panginoon, pagtrabahuhan, magtiyaga, mag-aral ng tamang kaalaman (not the traditional school) at pagpapakumbaba sa lahat ng bagay.
You see my picture?
"WALANG IMPOSIBLE"
-- Original post by my business partner, coach Resty Chavez. 😊😊😊