21/09/2023
MAGING LIGTAS PO ANG LAHAT🙏
MAHALAGANG ANUNSYO
Suspendido ang klase ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 22, 2023, sa lahat ng antas, pampubliko o pribado sa Lungsod ng Pasay dahil sa banta sa kalusugan ng usok na ibinubuga ng Bulkang Taal.
Pinapayuhan ang publiko na manatili sa loob ng tahanan at dagdagan ang ibayong pag-iingat. Magsuot din ng protective gear o facemask upang hindi malanghap ang volcanic smog.