20/06/2022
Pagkatungtong ng alas-5, sinarado ko ung laptop ko 'tapos lumingon ako sa aking higaan.
Ewan pero sobrang naging emotional ako just by realizing na for the past 20+ years, wala naman akong naging sariling higaan kasi syempre wala naman kaming sariling bahay na masasabi naming amin talaga at wala rin kaming kwarto. Sa probinsya, yung semento na hinihigaan namin, ito na rin 'yung kainan namin. Pero pramis, masaya.
My realization.
Minsan, kapag nalulungkot tayo sa mga bagay na di pa natin naaabot, balikan lang natin yung mga bagay na dating wala tayo pero ngayon, mayroon na. Baka kasi sa kakaisip natin dun sa mga bagay na wala pa, hindi na natin naaappreciate yung mga bagay na nandito na sa atin.
Hindi tayo minamadali ng mundo. May panahon na para sa lahat ng bagay. Ang biyayang para sa atin, hindi man ito kasing laki ng sa iba; hindi man ito kasing bilis ng pagdating ng sa ilan. Para sa atin ito at ito ay darating. Huwag magmadali. Wala naman tayo sa karera. Ikalma ang puso.
Dahil ang biyaya ng Langit, sakto sa pangangailangan mo, sa tamang pagkakataon.
Salamat sa sapat, Panginoon. ✨🌻
FREE FINANCIAL TIPS: https://youtu.be/ScyR_xWiCT0