06/03/2026
Sa likod ng sarbey, hindi mawawala ang kwento ng sakripisyo, dedikasyon at pagmamahal ng isang ina tulad ni Jerwina Cabasag, field researcher mula sa Central Luzon.
Dagdag pa niya, "Masaya maging field researcher dahil nariyan ang pagpunta mo sa iba't ibang komunidad. Dito rin nasusubok ang aming tibay at tatag sa fieldwork. Natututo [rin] kami makisalamuha sa iba’t ibang klase ng respondents.
Basta kasama ang Panginoon sa aking gawain, lahat ng pagsubok ay kakayanin ko."
Ngayong Buwan ng mga Kababaihan, binibigyang-pugay natin ang mga kwento ng pagsusumikap ng mga inang patuloy na lumalaban at nagsasakripisyo—mga babaeng hindi lang bahagi, kundi tunay na haligi ng tagumpay sa ating mga proyekto.
Ang pagbibigay natin ng espasyo sa kanilang mga kwento ay pagkilala sa malaking ambag ng kababaihan sa pagkuha ng pulso ng masang Pilipino.