01/09/2026
⚠️ PUBLIC ADVISORY / SCAM ALERT ⚠️
Nais po naming ipaalam na kami po at nakatanggap ng impormasyon na ginagamit di umano ang pangalan ng JA’Z ADS and Printing Services sa mga transaksyong hindi namin alam at hindi namin pinahintulutan. Wala kaming pananagutan sa anumang bayad o kasunduang ginawa sa pamamagitan ng personal na account o payment details ng hindi namin awtorisadong tao.
Para sa inyong kaligtasan:
• Huwag agad magpadala ng bayad sa personal na account.
• I-verify muna sa aming official page o mismong branch ang inyong order.
• Humingi ng opisyal na quotation, order details, at resibo.
• Kung nakipagtransaksyon na kayo gamit ang pangalan ng JA’Z ADS, mangyaring ipadala sa amin ang screenshots, resibo, pangalan ng account, at iba pang ebidensya.
Ang insidenteng ito ay aming idodokumento at maaaring i-report sa kinauukulang awtoridad para sa tamang imbestigasyon.
Mangyaring mag-ingat at huwag basta magtiwala sa mga nagpapakilalang konektado sa aming negosyo.
— MANAGEMENT
JA’Z ADS AND PRINTING SERVICES