Radyo Bandera Philippines

Radyo Bandera Philippines "Iwawagayway ang Bandera ng Malayang Pamamahayag" ANG PINAKARESPETADO SA NEWS AND CURRENT AFFAIRS. Maging maingat sa pagtingin sa sensitibong nilalaman.
(707)

Ang Radyo Bandera Philippines ay isang independyenteng media organization mula sa Palawan na naglalayong maghatid ng tama at napapanahong impormasyon para sa publiko.

⚠️ PAALALA: Lahat ng nilalaman ay para sa pagbabalita, pampublikong impormasyon, at edukasyonal na layunin lamang. Hindi kami konektado o nagsusulong ng anumang partido politikal, sugal, o produktong pangkalusugan maliban na lamang kung tahasang binanggit.

11/08/2026

BANDERA NEWS NATIONWIDE WITH SHERWIN LEONARDO AND MAC ARTHUR ASUTILLA 08-12-26

HEADLINES:

- PROSEKUSYON, NABABAHALA SA UMANO’Y “DELAYING TACTICS” NG DEFENSE TEAM SA IMPEACHMENT TRIAL NI VICE PRESIDENT SARA DUTERTE

- DESISYON NG PAMAHALAAN SA US EXTRADITION REQUEST KAY PASTOR QUIBOLOY, INAASAHANG ILALABAS SA MGA SUSUNOD NA ARAW

- PILIPINAS, TUMANGGAP NG P36.95 BILYONG GRANT MULA SA ESTADOS UNIDOS PARA PALAKASIN ANG HEALTHCARE SYSTEM NG BANSA!

- MAHIGIT 100 KATAO, NASAWI SA LINDOL SA COLOMBIA

11/08/2026

PUNTO BANDERA WITH KABANDERA SHERWIN LEONARDO 08-12-26

HEADLINES:

ANG PANGAKONG TUNGKOL SA BAHA, AY PANGAKO PA RIN HANGGANG NGAYON.

11/08/2026

BANDERA BALITA NGAYON WITH GINO DAMASCO AND LUDY BELLO 08-12-26

HEADLINES:

- MOTORISTA, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG ISANG TULAY SA EL NIDO, PALAWAN

- UMANO’Y WALANG PAPELES NA BARIL, NI-REPORT SA PNP ROXAS; BARIL, DOKUMENTADO PALA

- MGA LEHITIMONG NAGTITINDA SA OLD PUBLIC MARKET, MAKAKATANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA PUERTO PRINCESA CITY GOVERNMENT

- VICE MAYOR JIMBO MARISTELA, KINUWESTIYON ANG DILG LEGAL OPINION NA NAGLILIMITA SA MAAARING GAWIN NG MGA PRESIDING OFFICER SA SANGGUNIA

11/08/2026

BANDERA REPORTS MORNING EDITION WITH BING BATAGA 08-12-26

HEADLINES:

- PANININGIL NG PALECO SA “SURCHARGES” SA DELAYED PAYMENTS NG ELECTRIC BILL, NABISTONG WALANG PERMISO MULA SA ERC

- 19 SENIOR CITIZEN SA ABORLAN, TUMANGGAP NG HALAGANG SAMPUNG LIBONG PISO MULA SA NCSC

- DALAWANG INDIBIDWAL HULI SA BAYAN NG ELNIDO PALAWAN DAHIL SA KASONG R**E BY SEXUAL ASSULT

- BYAHE NG MGA PAMPASAHERONG BANGKA AT MANGINGISDA SA BAYAN SA NORTE NG LALAWIGAN, SUSPENDIDO PARIN

PALECO INFO 8/11/26 9:14 PM Power Service Advisory First Update  Petsa: August 11, 2026  Oras Na Nawalan: 9:03 PM  Apekt...
11/08/2026

PALECO INFO 8/11/26 9:14 PM

Power Service Advisory First Update

Petsa: August 11, 2026

Oras Na Nawalan: 9:03 PM

Apektadong Lugar: Under SAN JOSE CIRCUIT: Brgy. San Jose, Brgy. San Manuel, Brgy. Tagburos, Brgy. Sta. Lourdes hanggang Sitio Magarawak at iilang bahagi ng Brgy. Sicsican.

Detalye: Kasalukuyang nagpapatrol ang ating mga line personnel para sa agarang pagbabalik ng daloy ng kuryente.

Ang aming paumanhin sa lahat ng naapektuhan. Para sa katanungan, service request at iba pang concern maaari po kayong tumawag sa mga sumusunod na numero:
433-2001, 09175532836, 09088926584

VIA PALAWAN ELECTRIC COOPERATIVE PAGE

11/08/2026

PANININGIL NG PALECO SA “SURCHARGES” SA DELAYED PAYMENTS NG ELECTRIC BILL, NABISTONG WALANG PAHINTULOT MULA SA ERC

Inamin ni PALECO General Manager Engr. Rez Contrivida na wala pang inilalabas na desisyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) para pahintulutan ang mga electric cooperative sa bansa upang maningil ng “surcharges” sa mga konsumedores nito na huling nakapagbabayad ng kanilang buwanang konsumo sa kuryente.

Sa ginanap na pagpupulong ng Committee on Energy ng Sangguniang Panlungsod, sinabi ni Contrivida na ang ginagawa nilang paniningil ay naka-base lamang sa PALECO Policy No. 6-10 na may kinalaman sa pagbabayad ng electric bills na layunin anyang hikayatin at sanayin ang mga member-consumer-owner (MCO’s) ng kooperatiba na sumunod sa kanilang mga tungkulin.

Paliwanag ng PALECO official, ang usaping ito ay nai-apply na nila sa ERC kung saan ay nagpapatuloy anya ang mga pag-uusap para sa lahat ng electric cooperatives sa bansa.

Gayunpaman, aminado si Contrivida na wala pang inilalabas na desisyon o pagpapahintulot ukol sa paniningil ng surcharges sa late payments ng electric bills ang ERC.

“Naka-apply sa ERC at ongoing discussion po ‘yan sa lahat ng electric coop sa buong Pilipinas. Sa ngayon ay wala pang nilabas ang ERC na approval,” pag-amin ni Engr. Contrivida sa komite.

Dahil dito, kinuwestiyon ni City Councilor Elgin Damasco ang ginagawang ito ng PALECO na malinaw anyang paglabag sa Section 23 ng Republic Act 9136 o mas kilala bilang EPIRA Law kung saan nakasaad na lahat ng “charges” na ipinapataw ng isang electric cooperative sa kanilang mga consumer ay dapat may “prior approval” mula sa ERC.

At dahil sa wala pa anya itong pahintulot mula sa ERC ay maituturing na ilegal ang ginagawang paniningil ng PALECO.

“Ibig sabihin, ilegal ang paniningil Ninyo GM [Contrivida] kasi kahit doon sa sinasabi ninyong unbundled charges ay hindi kasama doon ang surcharges ng late payers,” giit ni Damasco.

Tinanong din ni Damasco si Contrivida kung may plano itong ipatigil ang paniningil nila ng “surcharges” pero ipinunto naman ng PALECO official na naabutan niya na lamang ito na ipinatutupad na at inaprubahan noon pang taong 1977.

Batid din anya nitong mas mataas ang national law sa kanilang cooperative policy pero dahil sa inabutan niya na lamang ito, kailangan niya anya itong ipatupad bilang pagtalima sa polisiya ng kooperatiba.

Handa rin anya itong ipatigil ang implementasyon ng paniningil ng “surcharges” sa delayed electric bill payments kung mabibigyan sila ng panibagong polisiya.

Ang problema lang anya ay wala siyang karapatan o kapangyarihan bilang general manager na baguhin ang kasalukuyan nilang polisiya sa kooperatiba.

Samantala, ang paliwanag na ito ni Contrivida ay hindi naman tanggap ni Councilor Damasco at iginiit na dapat ang national law ang masunod at dapat na ipinatutupad ng PALECO.

Bilang pinuno ng PALECO, sinabi pa ng Konsehal na kasama naman ito sa Board of Directors kaya maaari nitong ipaalam sa kanila na may nalalabag na sila sa paniningil ng “surcharges” dahil wala pa itong pahintulot mula sa ERC.

Samantala, sa huli ay iminungkahi ni Damasco sa komite na pansamantala munang huwag bigyan ng “Resolution of No Objection” ang PALECO para sa hinihingi nitong suporta sa kanilang franchise renewal dahil ang ginagawa umano nitong paniningil ng “surcharges” sa delayed electric bill payments nang walang “prior approval” mula sa ERC ay malinaw na paglabag sa umiiral na batas at wala itong naririnig na positibong tugon mula sa pamunuan nito na ipatigil ang nasabing gawain. – via CHRIS BARRIENTOS

Video Credits: Councilor Elgin Damasco FB Page

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

BAGONG SANDIGAN SA MAGANDANG KALUSUGAN! Ang GRAVIOLA PLUS HERBAL CAPSULE at ASHIGO PRODUCTS tulad ng ASHIGO PLUS COFFEE ...
11/08/2026

BAGONG SANDIGAN SA MAGANDANG KALUSUGAN!

Ang GRAVIOLA PLUS HERBAL CAPSULE at ASHIGO PRODUCTS tulad ng ASHIGO PLUS COFFEE DRINK MIX, ASHIGO PLUS PURPLE CORN COFFEE, BIRAMAX ADULT CAPSULE AND COFFEE Ay mabibili na sumusunod na mga outlets sa Lungsod ng Puerto Princesa.

1.NATURES MEDIC MAIN OFFICE
Roxas st, Brgy. Maligaya(unahan ng Radyo Bandera at PLDT)

2.NATURES MEDIC CHINATOWN MALL BRANCH
Malapit sa entrance ng dating tindahan ng NCCC.

3.NATURES MEDIC NORTH NATIONAL HIGHWAY
Harap ng Massway Shopping Center

4.NURSECARE PHARMACY
South National Highway
Brgy. Sicsican

5.IAN CANATON BAKESHOP
South National Highway
Brgy. Sicsican

6.LEAH'S BAKESHOP
South National Highway
Brgy. Sicsican

7.GOLDEN PLACE-CAABAS STORE
Pajara, Brgy. Sta. Monica
Near TALIPAPA and WPU.

8.READLEAF PHARMACY
Malapit sa Coop Hospital

TO GOD BE ALL THE GLORY!

11/08/2026

ANG PAGPARITO NI CRISTO

DISCLAIMER: This livestream is a paid/sponsored program. The views, beliefs, teachings, and opinions expressed by the program host, guests, or religious organization are solely their own and do not necessarily reflect the views of this page or media organization. Our role is limited to providing livestreaming and media services to the client. We respect all religions, faiths, beliefs, and denominations.

CITY COMELEC, NAGLABAS NG SCHEDULE PARA SA FILING NG COC SA BSKE 2026Naglabas na ang City Commission on Elections (COMEL...
11/08/2026

CITY COMELEC, NAGLABAS NG SCHEDULE PARA SA FILING NG COC SA BSKE 2026

Naglabas na ang City Commission on Elections (COMELEC) ng schedule para sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026.

Batay sa Memorandum Order No. 2026-08-0409 ng COMELEC Regional Election Director ng MIMAROPA, magsisimula ang filing sa Setyembre 28 at itatakda sa iba’t ibang mini city hall at sa SM Mall sa Puerto Princesa.

Sa Setyembre 28, tatanggapin ang mga COC sa San Rafael Mini City Hall para sa mga kandidato mula sa Barangays Manalo, Maryugon, Lucbuan, Mauyon, Babuyan, San Rafael, Tanabag, Concepcion, Binduyan at Langogan.

Sa Setyembre 29 naman ang filing sa Luzviminda Mini City Hall para sa mga barangay ng Sta. Lucia, Mangingisda, Luzviminda, Montible, Simpocan, Bagong Bayan, Napsan, Inagawan, Inagawan Sub. at Camuning.

Sa Setyembre 30, sa Macarascas Mini City Hall isasagawa ang filing para sa Bacungan, Sta. Cruz, Salvacion, Bahile, Macarascas, Buenavista, Tagabinet, Cabayugan, Marufinas at New Panggangan.

Samantala, sa SM Mall sa Barangay San Miguel isasagawa ang filing mula Oktubre 1 hanggang 5. Hinimok ng City COMELEC ang mga kandidato na sundin ang itinakdang schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at pagkaantala sa huling oras ng filing.

Pinaalalahanan din ang mga kandidato na tandaan ang kanilang itinakdang schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan sa huling oras ng filing ng COC. Pinaalalahanan din silang bigyang-prayoridad ang mga barangay na nakatakda sa bawat araw. Via- BING BATAGA

DISCLAIMER: Radyo Bandera philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

11/08/2026

MGA KATUTUBONG TAGBANUA SA BUSUANGA, MINSAN NA UMANONG INALOK NG PERA KAPALIT NG PAG-ALIS SA KANILANG LUPANG NINUNO

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

Address

Macasaet Business Complex, Roxas Street
Puerto Princesa
5300

Telephone

+639272060032

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo Bandera Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo Bandera Philippines:

Share