28/05/2026
17-ANYOS NA BABAE, PATAY MATAPOS MALUNOD SA DAM SA BROOKE’S POINT, PALAWAN
Binawian ng buhay ang isang 17-anyos na babae matapos malunod sa Sabsaban Dam sa Brgy. Aribungos, Brooke’s Point, Palawan pasado 9:00 kaninang umaga, May 28, 2026.
Ang nasawi ay kinilala lamang ng mga otoridad sa alyas Nur, at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay MDRRMO head Mohd Raiyan Miranda, agad silang tumugon matapos na makatanggap ng tawag mula sa isang Barangay kagawad ng kaugany sa insidente.
Pagdating nila sa lugar ay inabutan nila na sinusubukang i-revve ng mga tao sa lugar ang biktima.
Sinubukan pa umanong dalhin ng MDRRMO responder sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima, ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Napagalaman na kasama ng biktima ang kanyang kapatid na naliligo sa dam.
Patuloy pang inaalam ngayon ng mga otoridad ang dahilan ng pagkalunod ng biktima.
Pinaalalahanan naman ni Miranda ang publiko na magdoble ingat kapag maliligo sa mga ilog at dam o magsasagawa ng iba pang water activities upang maiwasan ang ganitong insidente. Via: ERWIN LAORENO
DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.17-ANYOS NA BABAE, PATAY MATAPOS MALUNOD SA DAM SA BROOKE’S POINT, PALAWAN
Binawian ng buhay ang isang 17-anyos na babae matapos malunod sa Sabsaban Dam sa Brgy. Aribungos, Brooke’s Point, Palawan pasado 9:00 kaninang umaga, May 28, 2026.
Ang nasawi ay kinilala lamang ng mga otoridad sa alyas Nur, at residente ng nasabing barangay.
Ayon kay MDRRMO head Mohd Raiyan Miranda, agad silang tumugon matapos na makatanggap ng tawag mula sa isang Barangay kagawad ng kaugany sa insidente.
Pagdating nila sa lugar ay inabutan nila na sinusubukang i-revve ng mga tao sa lugar ang biktima.
Sinubukan pa umanong dalhin ng MDRRMO responder sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima, ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Napagalaman na kasama ng biktima ang kanyang kapatid na naliligo sa dam.
Patuloy pang inaalam ngayon ng mga otoridad ang dahilan ng pagkalunod ng biktima.
Pinaalalahanan naman ni Miranda ang publiko na magdoble ingat kapag maliligo sa mga ilog at dam o magsasagawa ng iba pang water activities upang maiwasan ang ganitong insidente. Via: ERWIN LAORENO
DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.