21/09/2026
# # 📢 THE INSIDER VERDICT: ANG REALIDAD NG LIPUNAN AT ANG SIGAW NG MAHIHIRAP
Ang lipunan natin ay matagal nang nahahati sa mga uri (classes). At kung tititigan natin ang ibaba, lalong nagiging madilim ang katotohanan. Mula sa Middle Class na unti-unti nang humihilig paitaas o pababa, dumako tayo sa Lower Class na nahahati sa tatlong mukha ng kahirapan:
1. The Working Poor: Ang mga pamilyang may trabaho at may sumasahod, pero kahit anong kayod, kulang na kulang pa rin talaga sa taas ng bilihin.
2. Isang Kahig, Isang Tuka: Ang mga pamilyang nabubuhay lang sa kita sa araw na ito. Kung walang kayod ngayon, walang isusubo mamaya.
3. The Outcasts: Ang ating mga kababayan sa lansangan—walang masisilungan, walang katiyakan, at tila nakalimutan na ng mundo.
ANG REALIDAD KAPAG KUMATOK SA GOBYERNO:
Mayaman man o mahirap, darating ang oras na kakailanganin natin ng tulong-medikal. Pero para sa Lower Class na walang pamasahe pabalik-balik at walang kaalam-alam sa digital na proseso, ang paglapit sa gobyerno (gaya ng DSWD AICS o LGU) ay parang kalbaryo.
Bakit? Ang daming requirements! Medical abstract, case study, indigency, certificate—na babayaran mo pa! Paano kukuha ng requirements ang isang pamilyang RESETA LANG ang hawak at walang kahit isang duling sa bulsa? Ang ending: matatagalan, pabalik-babalikin, o worst, hindi matutulungan.
Diyan na papasok ang paglapit sa mga lokal na pulitiko, kapitan, o kagawad. Pero kung reseta lang talaga ang hawak at agaw-buhay na, alam nating lahat kung saan ang bagsak nila—KAY TULFO.
BAKIT KAY TULFO TUMATAKBO ANG TAO?
Hindi natin kinakampihan ang mga Tulfo, pero ito ang REALITY: Kapag natsambahan ng mahihirap ang magkakapatid (maliban kay Ben), ang hiling lang nila ay simple: "Idol, pahingi pong pangkain kahit magkano." No questions asked—bigay agad. Kung may reseta, sila na ang bibili o mag-aabot ng pambili ng maintenance. Ang hindi matulungan ng sistema, sa kanila nakakahanap ng mabilisang lunas.
SA MGA TOXIC VLOGGERS NA NAGPAPAHAPE NG "UNFOLLOW":
Ngayon, may mga vlogger at kritiko na nagpapakalat ng "unfollow" campaign laban sa kanila dahil sa pulitika o personal na galit. Ang tanong ng Insider: Kaya niyo ba silang tulungan?
Subukan mong mag-comment sa mga vlogger na 'yan na humihingi ng tulong pambili ng gamot o pangkain—ni hindi ka niyan rereglohan o rerespunduhan! Masyado kayong toxic. Hindi ninyo nakikita ang bigger picture dahil hindi kayo ang nagugutom. Ang nagsusuffer sa mga away-pulitika ninyo ay ang mga mahihirap na umaasa lang sa mabilisang tulong para mabuhay.
Kung sa tingin ninyo ay mali ang sistema, bakit hindi kayo ang tumakbong Senador at magbaba ng tulong na walang requirements? (Hahaha!)
Ang hatol ng Insider: Ang gutom ay walang kulay sa pulitika. Ang kailangan ng mahihirap ay bigas at gamot, hindi ang inyong toxic na bangayan.
------------------------------