23/09/2026
Happy couple na naka motorsiklo, nambato during road rage… bata ang tinamaan.
Natukoy na ng Antipolo PNP ang dalawang sinasabing sangkot sa viral road rage incident kung saan isang 8-year-old na batang babae ang nasugatan! Nangyari ito noong September 21 sa M.L. Quezon Extension, Brgy. Dalig, Antipolo City.
So papaano nga ba nagsimula ang gulo? Ayon sa nanay, kasama nya ang kanyang 8-year-old na anak na babae ng pasakay sila ng Bajaj o tricycle. Pero may motorsiklong nakaharang umano sa dadaanan nila. Humingi raw ng space ang bata para makadaan sila. Nagkaroon umano ng sagutan matapos hindi nagustuhan ng nanay ang naging response ng rider at doon na uminit ang sitwasyon.
Nang makasakay na ang mag-ina at umalis ang Bajaj, sinundan umano sila ng motorsiklo. At habang nagpapatuloy ang komprontasyon, may matigas na bagay na posibleng bato o piraso ng semento ang inihagis mula sa motorsiklo. Pero ang tinamaan? Yung bata pa sa ulo! At ayon sa report, kinailangan pang tahiin ang kanyang sugat.
Kinilala ng Antipolo PNP ang sinasabing rider na si Jayvee Aduque at backrider na si Shyrie Recto Morta. Sa latest police statement na meron tayo, patuloy ang paghahanap sa kanila, habang inaasikaso naman ang sworn statement at reklamo ng nanay.
Ayon naman sa mga kumakalat na post mula umano sa mga sangkot na hindi raw bata ang intended target nila kundi yung adult. Pero teka lang! Kahit adult pa ang target, kailan naging okay ang maghagis ng bato o matigas na bagay dahil lang sa road rage? At anuman ang intention, ang ending ay isang inosenteng bata ang nasaktan. Ayyy nako ha… bakit sa social media kayo nagpapaliwanag? Lumabas na lang kayo, harapin at panagutan ang reckless na ginawa nyo.
Eto pa ang update… Ayon sa PNP ay natunton nila ang inuupahang tirahan ng dalawa sa Brgy. Dalig, pero napag-alamang hindi na umano sila bumalik doon matapos ang insidente. Nagpunta rin ang mga pulis sa Brgy. Dela Paz kung saan may mga kamag-anak umano ang babaeng suspect. Pero bago pa raw makarating ang mga pulis, pumunta na roon ang dalawa, kinuha ang kanilang one-year-old na anak at pagkatapos ay agad ding umalis. As of the latest police statement, patuloy pa rin ang paghahanap sa dalawa. Umaksyon na rin agad ang LTO - 90 days suspended na ang lisensya ng rider at under alarm status na ang motorsiklo.
Grabe diba! Road rage na nga, BATA PA ANG NASAKTAN! Tas ngayun tong happy couple, bigla ng hindi mahagilap. Ang a-angas sa kalsada pero takot sa hustisya.
Road rage is NEVER worth it. Kaya konting pasensya naman po sa kalsada, mga ka-siopao. Hindi lahat ng galit kailangan patulan lalo na kung inosenteng bata ang puwedeng madamay.