01/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐ฟ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ: ๐ฃ๐ฆ๐ ๐, ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ง๐ฃ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ
ni ๐๐ป๐๐ผ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐น๐๐ฑ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐ป๐ด
Kuhang Larawan ni ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐๐ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐
Di alintana ng mga magulang, estudyante, g**o, at volunteers ang maulang panahon sa idinaos na Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela 2026 sa Paaralang Sekondarya ng Melchora Aquino (PSMA) na may temang โBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ nitong Lunes, Hunyo 1.
Nagsilbing tagapagdaloy ng programa sina Antoine Clydine Licong, Supreme Secondary Learner Government (SSLG) President, at Alyana Isabel De Yro, SSLG Vice President.
Pormal namang sinimulan ang programa ng pambungad na mensahe ni Dr. Herminia J. Flores, Punongg**o ll, na sinundan ng Message of Commitment nila Congresswoman Marivic Co-Pilar sa pamamagitan ng video-message, gayundin ang School Parent-Teacher Association (SPTA) Vice President, G. Anacleto Pilar, SSLG President, Bb. Licong, at Faculty Vice President, Dr. Ellen Mabasa.
Kasunod nito, pinangunahan naman nina G. Aljune Buotan, Grade 11 Coordinator at Gng. Joan Usman, Grade 12 Coordinator ang Parent/Student orientation kung saan tinalakay ang mga pagbabago sa darating na taong panuruan kabilang ang panibagong 3 Term Calendar, grading system, room assignment, schedule, at sections.
Samantala, inaasahan naman ang pagdalo ng mga magulang at estudyante mula sa Baitang 7 ngayong Martes, Hunyo 2.