11/08/2019
Naging Kape si Kath!? :o
Nung pagkauwi ni Kath mula sa trabaho.
Medyo badtrip siya dahil sa pagod at gutom.
Nung pumunta siya sa dining room.
May nakita siyang nakahain na masarap na pritong tilapia.
Nung nakita niya ito bigla siyang nabadtrip at hinanap ang nanay niya.
Sabi niya
“Nay, Tilapia na naman!? Araw araw na po natin pagkain yan ah?
Sabi ng mommy niya
“Sorry Kath, wag ka magalala ipagluluto kita ng paborito mo next time”
Ramdam na ramdam ang inis ni Kath habang kinakain yun hapunan niya.
Kinabukasan paguwi mula sa trabaho,
Nagulat at naiinis siya sa nakita niya.
Sabi ni Kath
“Ma, ano ba yan!?, hindi mo naman po pinatay yun T.V sayang ang kuryente”
Sabi ng Mommy niya
“Sorry anak, hinahanda ko kasi hapunan natin”
Once again, inis na inis na naman si Kath sa gabing yun.
Kinabukasan paguwi niya nakita na naman niya na magulo at makalat ang bahay.
Pinuntahan niya ang kanyang nanay at nakita niyang naglalaba.
Sa sobrang inis napasigaw si Kath at sabay napaluha,
“Ma, ayaw ko na, araw araw na lang ba ganito?, pagod na pagod na ako sa trabaho tapos pati ba naman paguwi ko, kailangan ko pa linisin ang mga kalat dito sa bahay? Hindi ko na ata kaya ito”
Muntik na mapaluha yun nanay dahil ramdam niya yun lungkot ng anak niya.
Pero niyakap na lang niya siya at sinabi
“Pasenxa na talaga anak, tahan ka na at magpahinga. Bukas may ipapakita ako sayo okay lang ba?.”
Sabi ni Kath: Sige po nay.
Tumahan na si Kath at pumunta sa kwarto para magpahinga.
Kinabukasan badtrip ulit si Kath nung paguwi niya
Nagtaka ang nanay niya dahil badtrip ulit si Kath.
Tanong ng nanay niya : “Bakit ka naman badtrip?
Sabi ni Kath: Yun boss ko po kasi dami na naman pinapagawa hirap na hirap na talaga ako sa buhay ko”
Sabi ng nanay “ ah ganun ba, naalala mo ba yun promise ko sayo kagabi?”
Kath : Yes po, ano po ba yun?
Nanay: Punta tayo sa kusina hinanda ko na ito para sayo.
Nagtaka si Kath sa nakita niya sa lamesa at kalan
Kath: Ano po ito nay? Bakit may patatas, itlog, kape at kumukulong tubig?
Nanay: Pakukuluan ko yun itlog at patatas at hahaluan ko ng mainit na tubig ang kape, observahan mo kung ano mangyayari.
Habang pinapakuluan hindi kinausap ng nanay si Kath at nakikita niya na naiinip na ito.
Pagkatapos ng ilang minuto, nilagay ng nanay yun patatas at itlog sa plato para palamigin at tinimpla ng nanay ang kape gamit ang mainit na tubig sa isang cup.
Nung lumamig na yun patatas at itlog,
Kinausap ng nanay si Kath.
Nanay: Kath, hawakan mo yun patatas, ano ang napapansin mo?
Kath: Malambot na po siya.
Nanay: okay, ano naman ang napansin mo sa itlog?
Kath: Matigas na po yun laman nung itlog.
Nanay: Okay tikman mo naman yun kape.
Napangiti si Kath sa bango ng amoy ng kape at tinikman
Kath: Sarap po ng timpla niyo nay pero ano po ba ibig sabihin nito?
Inexplain ng nanay:
“Alam mo Kath, katulad din natin yan patatas, itlog at kape.
At Yun kumukulong tubig, yan ang ating paghihirap at challenges sa buhay.
Nung hinalo natin yun kumukulong tubig nagiba ang resulta ng bawat isa.
Yun patatas, Matigas at matibay siya sa umpisa pero pagkatapos pakuluan ng mainit na tubig bigla itong lumambot at humina.
Yun itlog, malambot at mahina ito sa umpisa pero nung pinakuluan na sa mainit na tubig bigla naman ito naging matibay at matigas.
Yun kape, kakaiba ang nangyari dito nung humalo ito sa mainit na tubig, naging isa itong masarap na inumin.
Naiitindihan kita Kath na sobrang daming stress at challenges at minsan gusto mo na talaga sumuko.
Pero ang tanong, once na dumating sayo ang mga paghihirap na iyan ano ang pipiliin mo?
Yun patatas? Yun itlog o yun Kape?
Kath: Yun kape po nay.
Nanay: Bakit kape ang napili mo?
Kath: Promise ko po na sa bawat pagsusubok, gagawin ko pong learning experience yun para makagawa ng maganda resulta.
Mula noon hindi na nagreklamo si Kath at lalu niyang minahal at inappreciate ang trabaho lalu na ang nanay niya.
In short, Naging Kape na si Kath.
Sa bawat pagsubok na naranasan niya lagi niya naalala na maging parang kape at makagawa ng isang magandang resulta sa mga natutunan sa mga niya.
Tanong,
Marami ka rin bang frustrations at paghihirap na nararanasan ngayon?
Ano gagawin mo, once na maranasan mo
Yun Rejections,
Yun Struggles
Yun Pinagtatawanan ka
Yun Hindi naniniwala sayo
Yun hindi ka nagkakaroon ng resulta
At marami pa
Ang tanong, ano ang pipillin na magiging resulta mo?
Isa ka bang Patatas, matibay sa umpisa pero pagtapos ng paghihirap lalambot at susuko na?
Itlog, malambot at mahina sa umpisa pero pagtapos ng paghihirap titibay at lalakas?
O Kape, Once na nahaluan ng pagsusubok gagawin mo siyang magandang resulta sa mga natutunan at naexperience mo?
Icomment mo sa post na ito kung ano yun pipiliin mo.
Patatas
Itlog
Kape
Lahat tayo makakaranas ng matinding pagsubok sa buhay, career o negosyo, pero nakasalalay ang resulta natin mula sa reaksyon at aksyon na gagawin mo once naranasan mo yun pagsubok na iyon.
Kung nakatulong sayo ang post na ito share this post and inspire others.
Hope this inspired you to pursue your goals and dreams kahit na maraming pagsubok.
marketing