31/03/2017
Ipinanganak noon ika-2 ng Abril ng taong 1788, at anak nina Juana de la Cruz at Juan Baltazar, si Francisco sa gulang na labing-isang taon ay natutuhan na ang mga biyaya ng karunungang dapat ituro ng kanyang bayan. Ang pambihirang katalinuhang ipinamalas ni Francisco ay siyang nagbunsod sa kanyang mga magulang na siya’y iluwas sa Maynila upang sa ilalim ng anumang kaparaanan ay makapagpatuloy ng pag-aaral.