08/04/2020
SUPPORT LOCAL, BUY LOCAL!
https://www.facebook.com/barangaylocalbusinesses/
Ang page pong ito ay binuo para sa mga PILIPINONG residente at mga maliliit hanggang katamtamang mga negosyo o negosyante ng bawat syudad o barangay ng Pilipinas. (SMEs)
Ito po ay naglalayong hikayatin ang bawat Pilipino maging sa buong mundo na suportahan ang PAGLAGO ng EKONOMIYA ng ating bansa sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga negosyo, produkto at serbisyo ng kani-kaniyang Siyudad at Barangay na nasasakupan.
Kapag matapos na ang kasalukuyang suliranin ng ating bansa sa Covid-19 at tuluyan na itong mapuksa, marami sa ating mga kababayan ang malamang mawawalan, o nawalan ng trabaho o kabuhayan.
Sa ganitong munting paraan, nais po nating itaguyod ang pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa bawat isa.
Kung kayo po ay residente ng isa sa mga syudad o barangay ay malugod po namin kayong inaanyayahang sumali sa mga grupo dito bilang:
1. Pag suporta sa lahat ng positibong aktibidadid ng siyudad.
2. Makapag update sa mga balita.
3. Maparating ang inyong mga hinaing.
4. Mailabas ang inyong mga saloobin
5. Higit sa lahat mapaayos ang ating mga buhay at tulungang mapalago ang ekonomiya ng ating bansa kahit sa munting paraan lamang.
Kung kayo naman po ay nagpaplano pa lamang, o nagsisimula pa lang ng kahit na anong negosyo o meron ng negosyo (basta legal lang po) sa syudad o barangay ay hinihikayat din namin kayong sumali dito sa ating grupo para tulungan natin na lalong makilala ang inyong negosyo, produkto o serbisyo sa iyong kabarangay o kasiyudad.
Mainam rin po na paminsan-minsan magbigay ng mga discount o promo para hindi na po lumayo ang ating mamimili at tangkilikin na nila yung mas malapit at sariling atin.
Malaya po kayong mag post dito ng inyong LOCAL ADS (Business Name, Contact Number, Barangay Address at mas magandang lagyan ninyo ng pictures ng inyong negosyo, produkto o serbisyo man.
Ito po ay habang buhay na LIBRENG serbisyo para sa lahat.
Lagi lang po nating panatilihin ang kaayusan.
"SUPPORT LOCAL, BUY LOCAL."
Pagpalain po tayo ng Panginoon.
Maraming Salamat po!!!