29/01/2019
PAANO MO MAPAPASAYA ANG MISIS MO?
1 👉 HUWAG KANG MAGSISINUNGALING ▪ Ayaw ng mga babae sa mga lalakeng sinungaling. Kapag nagsinungaling ka ng isang beses, mahihirapan na 'yan na pagkatiwalaan ka ulit. Kung nagsinungaling ka ng isang minuto, kailangan mong um-effort ng isang dekada o mahigit pa para maibalik ng buo ang tiwala niya.
2 👉 HUWAG KANG MAGSISIKRETO ▪ Ayaw ng mga babae sa mga lalakeng masyadong malihim. Di bale sana kung mga pa-surprise eme pero yung lihim na nega, that's a NO NO.
3 👉 HUWAG MO SIYANG MUMURAHIN AT PAGBUBUHATAN NG KAMAY ▪ Kapag nahaluan na ng physical at verbal abuse ang pagsasama, wala na 'yung magandang bunga. I-respeto mo ang asawa mo.
4 👉 HUWAG MO SIYANG PIPILITIN KAPAG WALA SIYA SA MOOD ▪ Ang mga babae, napapagod din 'yan sa mga araw-araw na responsibilidad. Huwag mo siyang pipilitin kapag wala siya sa mood mag-labing labing. Kapag pinilit mo siya at may nangyari kahit ayaw niya, considered r**e 'yun.
5 👉 TULUNGAN MO SIYA SA MGA GAWAING-BAHAY ▪ Oo, maaaring pagod ka sa paghahanap-buhay pero pagod din naman ang asawa mo. Tulungan mo rin siya kahit sa mga simpleng gawain lang. Malaking bagay na 'yun para mapangiti mo siya.
6 👉 HUWAG KANG MAMBABABAE ▪ Ito talaga ang pinaka-ayaw ng mga babae. Kahit naman sino, hindi gugustuhin na magkaroon ng kaagaw sa asawa niya di ba? Iwasan ang pangchi-chicks para di masira ang relasyon.
7 👉 LIMITAHAN NA ANG PAGSAMA-SAMA SA BARKADA ▪ Nung magdesisyon kang mag-asawa, nagdesisyon ka na ring iprioritize ang iyong asawa at pamilya. Kaya naman, iwas iwas na sa mga session ng barkada.
8 👉 HUWAG MONG KALIMUTAN ANG MGA MAHALAGANG ARAW O OKASYON ▪ Huwag mong kakalimutan ang birthday niya, wedding anniversary niyo, birthday ng mga anak niyo. Importante ang mga araw na 'yan.
9 👉 YAYAIN MO SIYANG LUMABAS PAMINSAN-MINSAN ▪ Huwag mong buruhin sa bahay ang asawa mo. Ilabas mo rin minsan as form of relaxation na rin sa araw-araw na pagiging pre-occupied.
10 👉 PAHAWAKIN MO NG PERA ▪ Hindi porke hindi siya nagta-trabaho e hindi mo man lang bibigyan ng pera. Para kung may gusto siyang bilhin, di na niya kailangang humingi sa'yo.
11 👉 PAGKATIWALAAN MO ANG ASAWA MO ▪ Sa pera man, sa relasyon niyo, sa mga desisyon man, magtiwala ka sakanya.
12 👉 MAKIRAMDAM KA ▪ Hindi lahat ng babae, very vocal sa nararamdaman nila. Pakiramdaman mo kung may problema ba siya. Kausapin mo at damayan siya.
13 👉 UMUWI KA NANG MAAGA ▪ Kapag sinabi mong uuwi ka nang maaga, gawin mo, hindi yung kung saan saan ka pa lumiliko o dumidiretso.
14 👉 MAGLAAN KA NG ORAS SA MGA ANAK NIYO ▪ Makipaglaro ka o makipag-bonding sa mga anak ninyo tuwing uuwi ka o kapag wala kang pasok.
Hindi kailangan ng mamahaling bagay para mapasaya mo ang asawa mo. Minsan, ang kailangan lang ay magampanan mo ang responsibilidad mo bilang asawa at ama sa mga anak niyo.
Written by:
Mommy Van
DISCLAIMER: Pasayahin din dapat si mister, hindi puro si misis lang ang dapat na pinapasaya. 😊