08/03/2025
Hindi tama na ang pagsisiga ng basura o tuyong dahon ay isang paraan ng pag-iwas sa Dengue. Maaari itong magdulot ng polusyon sa hangin at makasama sa kalusugan.
Upang maiwasan ang Dengue, mas mainam na:
✅ Linisin ang paligid at tanggalin ang mga nakaimbak na tubig na maaaring pangitlogan ng mga lamok.
✅ Gumamit ng kulambo o insect repellent lalo na kung nasa labas ng bahay.
✅ Magsuot ng damit na mahahaba upang maiwasan ang kagat ng lamok.
✅ Panatilihing maayos at walang bara ang kanal at alulod upang hindi pamugaran ng lamok.
Ang tamang paglilinis at pagsunod sa mga hakbang na ito ang mas epektibong paraan upang maprotektahan ang sarili at pamilya laban sa Dengue!
Kapag naramdaman ang alinman sa mga sintomas ng DENGUE, AGAD NA MAGPAKONSULTA sa pinakamalapit na health center o ospital. Libre ang check-up at dengue test sa ating mga health center!
📍 Bukas ang ating mga Health Center LUNES hanggang BIYERNES ( 8:00am to 5:00pm )
Alamin ang iba pang impormasyon kung paano mapoprotektahan ang sarili at pamilya laban sa dengue sa link ng post na ito:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1055089823314957&set=a.637382685085675
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/1038855791605027
Manatiling updated tungkol sa banta ng Tigdas sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609