20/07/2026
CRISLEN SAYDE (AKA AVIONNA MENDEZ), NAGLABAS NA NG PAHAYAG HINGGIL SA KINASASANGKUTANG KALI-KALIWANG ISSUE NG PAGKAKAUTANG
Naglabas na ng opisyal na pahayag ang controversial author na si Crislen Sayde (aka Avionna Mendez) sa kaniyang Facebook account para i-address ang kinasasangkutang mga issue sa utang. Nagsimula ang nasabing statement sa paghingi ni Mendez ng paumanhin sa mabagal na pagre-reply sa mga kausap at naniningil sa kaniya. Pinunto rin niya ang pagkaka-disable diumano ng kaniyang Facebook account kaya bigla itong nawala at hindi ma-search.
Binubuo ng labing anim na puntos ang statement niya na aniya’y “walang labis at walang kulang.” Pagsusulat diumano sa YouTube ang kaniyang source of income. Ayon sa kaniya, umuutang siya kapag kailangan nang magbayad ng kaniyang pamilya sa bahay pero wala pa ang kaniyang sahod. Nabanggit din ni Mendez na nagsimula siyang mangutang pagtuntong niya ng third year college kung saan tahasan niyang inamin na nangungutang siya kapag nahihirapan siyang magsulat.
Inamin din niyang marami siyang utang sa iba’t ibang tao ngunit hindi iyon para sa luho, bagkus ay para sa kaniyang pamilya. Ang paghinto ng operations ng pinagsusulatan niyang YouTube channel ang itinuturo niyang dahilan umano ng paghinto rin ng inaasahang income. Inamin din niya ang umiral na “tapal system” kung saan umuutang siya ng pambayad sa iba pa niyang utang.
Nakiusap din si Mendez na huwag nang kausapin pa ang kaniyang dating boyfriend at ina. Isiniwalat din niyang break na sila diumano ng kaniyang dating nobyo. Nagmakaawa rin ang manunulat na burahin ang kaniyang pictures, diploma, at ID. Matatandaang kali-kaliwa ang nag-post tungkol sa kaniyang pagkakautang at ilan sa mga ito ay ibinalandra ang pagmumukha niya.
“I’m taking responsibility for every mistake I made,” iyan ang pinanindigan ni Mendez sa huling bahagi ng kaniyang statement.
Marami naman ang hindi natuwa sa statement na ito lalong-lalo na ang mga inutangan niya. Ang punto ng ilan ay bakit hindi nito magawang mag-reply sa kanilang messages? Pinaratangan din siyang nagsisinungaling sa isang comment dahil hindi raw totoong ginastos ni Mendez ang pera sa kaniyang pamilya, kundi sa ibang bagay lang.
Buong ulat mula sa Wattpad Patrol.
Screenshots mula kay Avionna Mendez (Facebook).