23/02/2026
Ang lihim ni Randy
Hi mga ka secret itago niyo na lang ako sa pangalang randy, yes it's me randy, isa akong parlorista, masasabi kong isa ako sa mga bekirut na talagang angat sa larangan ng pagpapaganda, ngunit sa kinang ng aking propesyon, ako ay lihim na nag mahal kay Joshua di tunay na pangalan, masasabi kong bata ang tipo ko sa mga lalaki, ako kasi yung tipong gusto ko na para bang ako yung nag aalaga, nag aalala at sometimes gusto ko andun ako sa sentro ng buhay nila, minahal ko si joshua mga ka secret, at alam kong minahal niya rin ako.
Kung ikukumpara sa mga kulay ito ay kulay bahaghari ng aming pag iibigan sa kanya ko lang naramdaman at nakita na hindi niya ako ikinakahiya sa mga kaibigan, sa mga kakilala at maging sa pamilya niya, it's a complete package ika nga both sides legal kami, minsan may mga tanong sa buhay ko na what if magka hiwalay na kami, paano na ako, paano na iinog ang buhay ko kung wala siya, at ang mga bagay na minsan nang naging katanungan ngayon pala ay akin nang kahaharapin.
Masasabi kong nahirapan ako noon pero kailangang tanggapin sapagkat napag usapan naman namin na sabihan lang ako kung magpapamilya or kung magkaka gf, kahit pala sabihin nating tanggap nating dadaan sa ganung punto, mahirap pa din talagang tanggapin.
Just to make the story short mga ka secret, naka move on na din ang bakla ng taon, with flying colors may mga anak na si joshua pero di pa din siya nakakalimot minsan tambay sa parlor ko, minsan pinapayuhan niya ako sa mga lalaking nakikita niya sa parlor ko, minsan naman inaaway ko pa rin siya pero parang away mag kapatid na lang...
Hanggang dito na lang mga ka secret....
❤️ ❤️ ❤️