01/06/2020
Eto ang sagot sa mga kumakalat na "Dear DEPED"
Para Po Sa Mga Magulang Na May Mga Katanungan:
1. Tanong: "Bakit ba kasi nagmamadaling magpapasok sa August 24 alam namang delikado pa?"
Sagot: No face to face learning po hangga't hindi ligtas. Pwede po sila mag home schooling, online learning at modular po. Napakarami na pong inilalatag na solusyon ng DepEd at hindi po "papasok" sa school ang mga bata--- sa bahay lamang po sila mag-aaral through "Distant Learning Modalities."
2. Tanong: "Paano ang mga batang may magulang na parehong nagtatrabaho?"
Sagot: Sa buong 24 oras po ba, nagtatrabaho po kayo? Hindi po ba kayang maglaan kahit isa hanggang dalawang oras para turuan o gabayan ang inyong anak? Hindi po ba bilang magulang ay kaakibat na po nun ang responsibilidad na gabayan at turuan sila kapag nasa tahanan? Sa totoo lang naman po kasi, kahit naman po talaga noong wala pang virus ay problema na talaga ang "follow up" sa bahay. Kahit anong pakiusap ng g**o na i-follow up ang anak sa bahay, papasok pa rin si bata nang walang homework, walang project.🥺Nakalulungkot po ito😢. Kasi po ang totoo, gusto ng karamihang mga magulang (inuulit ko po--- karamihan, HINDI po lahat), iasa sa g**o ang lahat. Ang katwiran po nila sumasahod si titser para magturo. Opo, totoo naman po responsibilidad po ng mga g**ong magturo . Pero hindi po ba't dapat magkaagapay si titser at nanay/tatay para turuan si bata? At mas higit ang oras ni bata kasama ang magulang kaysa kay teacher (lalo na po ngayon).👍
3. "Paano naman ang mga magulang na walang pambili ng gadget o pangpakabit ng internet o walang panload ng data?"
Sagot: Hindi po kayo inoobliga ni DepEd na bumili ng anumang gadgets. Kaya nga po magkakaroon ng printed modules na libre po. Opo, printed modules na libre o free. Pag- aaralan at sasagutan na lang ni bata sa paggabay po ng magulang at g**o.
4. Tanong: E paano po yung mga batang "No Read, No Write" ang mga kasama sa bahay, paano po nila gagabayan ang mga bata kung sila po mismo ay walang alam?...napaka-imposible naman po ng gusto ng DepEd!
Sagot: Kaya nga po, inaalam namin ngayong buong panahon ng enrolment (June 1-30) ang totoong sitwasyon ng bawat bata at tahanan. Kapag po si bata ay walang kasamang pwedeng magturo sa kanya,ang ibibigay po namin sa kanya ay "free modules" o SLK (Self- learning Kit) na maaari po n'yang sagutang mag-isa at PAGGABAY na lang ng mas nakatatandang kasama sa bahay ang kailangan. 😊At maaari rin pong ang ganitong mga mag-aaral ay magkaroon ng "limited supervision" mula sa mga g**o. 👍
5. Final Decision ng Magulang: "Kahit anong sabihin n'yo, hindi ko pag-aaralin ang anak ko sa taong ito".
Sagot ng DepEd: OK po.👍 Desisyon n'yo po yan. Hindi naman po kayo pipilitin. Pero hindi po hihinto ang school year para sa inyong mga ayaw (unless magkaroon ulit ng bagong mandate o guidelines na pahintuin). Paano ang mga anak n'yo pag nagkataon?
6. "Bakit kasi hindi na lang sa September o next year buksan ang klase o kapag may vaccine na?"
Sagot: Sa September po ba o next year ay mawawala na ang virus? Pag po ba may vaccine na, ligtas na po sa COVID si bata at teacher? Kaya po, habang hinihintay nating magkaroon ng vaccine, nag-aalay po ang DepEd ng mga posibleng solusyon kung saan hindi malalagay sa panganib o kapahamakan si bata o si teacher dahil "safety first before anything else" ang ating dapat na panuntunan.😊👍😊 Dahil totoo na "mas mahalaga ang buhay kesa sa edukasyon" pero "Mas masarap mabuhay nang may Kaalaman" kaya kung kakayanin naman, bakit hindi po natin subukan?