27/02/2024
Isa akong nanay, nandun yung kagustuhan ko na maturuan ang anak ko ng mga bagay na ituturo rin naman sa school at kahit naririnig at napapanuod na nya online.
Nakakatuwa lang na habang ginagawa ko itong learning charts nya ay naupo sya sa lap ko para tulungan ako mag-isip kung ano ang ilalagay kong illustrations. Nagkaroon kami ng bonding dalawa... bonus na lang yung nakapag-create ako ng 6 charts na ito. Bago ko pa man ma-print ay halos kabisado na nya. π
Salamat Canva for making this possible. Dagdag sa physical products na pwede ialok sa mga ka-Nanay na katulad ko. π€