25/11/2019
Bakit tayo sumasali sa riders club?
Para saan ba ang riders club na ito?
Simpleng mga tanong pero malalim ang kahulugan ng magiging sagot mo. Ako, bakit ba ako sumali sa TSR ? Hayaan nyo pong sabihin ko ang sagot ko sa inyo.
Una kaya ako sumali sa TSR ay para madagdagan ang mga kakilala sa komunidad ng dalawang gulong. Pangalawang club ko palang ito mula nung magmotor ako. Ang alam ko pag may club masaya, may rides, may mga gatherings, etc. Pero ang TSR di lang basta ordinaryong club. Dito may mga misyon. Dito may magandang samahan. Dito nag iisip ang mga opisyales kung paano mabibigyan ng magandang benipisyo ang kanilang mga miyembro. Di lang karamay sa saya, nariyan din sa panahon ng paghihinagpis, nagtuturo ng mga dapat at hindi. In other words kumpletos rekados. Gumagawa ng mga proyekto na para sa komunidad, sa riders at higit sa lahat nagkakawang gawa. Andyan ang balik eskwela para sa mga estudyante. Nariyan ang information drive sa pamamagitan ng leaflets o pag paskil ng tarps. Narian ang paglikom ng mga kailangan sa mga panahon ng disgrasya o kalamidad. Nagsasagawa ng mga safety seminars na naglalayong maipaintindi sa mga kasama natin ang kahalagahan ng kaligtasan. At maraming iba pa. Naniniwala din ako na ang pangunahing adbokasiya ng TSR ay ang makapag paalala at makapagturo ng mga bagay para sa kaalaman at kaligtasan ng mga mananakay at mga miyembro nito. Safety first ekanga. Kaya bakit ako naririto sa TSR hangang ngayon? Dahil masaya ako dito. Dahil mula ng nabuo hangang ngayon ay nakita ko ang lahat ng mga magagandang nagawa at nangyari. Kaya sumali man ako o maimbitahan saiba p a ng grupo TSR will always be my home.