07/03/2026
Aaayyy super Latina ni Madam!
https://www.facebook.com/share/p/1CDScinBhi/
ENGRANDENG MALACAÑANG PARTY HABANG MAY PANAWAGAN SA PAGTITIPID?
Nagbigay ng reaksyon si former COA/Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng isang marangyang dinner event sa Malacañang Palace, na dinaluhan ng ilang personalidad at iniulat na bahagi ng pagdiriwang ng “Latina Manila.”
Sa kanyang Facebook post, tahasang binatikos ni Guanzon ang tila magarbong pagtitipon, lalo na sa panahong nananawagan ang pamahalaan ng pagtitipid sa enerhiya at gastusin.
“Magtitipid kayo pero mag paparty kami.”
Batay sa mga kumakalat na larawan sa social media, makikita ang isang eleganteng dinner setup.
May lumabas ding imbitasyon na nagsasabing ang event ay isang “Dinner to Celebrate Latina Manila” na ginanap noong Marso 5, 2026 sa Ceremonial Hall ng Malacañang.
Ang imbitasyon ay naglalaman ng mga pangalang:
• Ferdinand Marcos Jr.
• Liza Araneta-Marcos
Ang reaksyon ni Guanzon ay dumating ilang araw matapos hikayatin ni Pangulong Marcos Jr. ang publiko na magtipid sa paggamit ng enerhiya sa gitna ng mga hamon sa pandaigdigang suplay ng langis at tensyon sa Gitnang Silangan.
Dahil dito, naging usap-usapan sa social media ang tila magkasalungat na larawan: panawagan ng pagtitipid sa publiko habang may lumilitaw na mga imahe ng magarbong pagtitipon sa loob ng Malacañang.