26/04/2026
Hindi lahat ng makakasalamuha mo, magiging maayos ang trato sa’yo. May mang iignore, may mangloloko, may mananakit. At minsan, doon ka matetempt magbago. Yung tipong maiisip mo, bakit ako pa rin ang magiging mabuti kung hindi naman ganun ang ginagawa nila sa akin.
Valid yung nararamdaman mo. Pero mag ingat ka sa next na pipiliin mong maging.
Kasi kapag hinayaan mong mawala yung kabutihan sa puso mo, parang hinayaan mo rin silang baguhin kung sino ka. Yung mali na ginawa nila, nadadala mo na sa susunod na tao.
Sabi sa Romans 12:21 NIV, “Do not be overcome by evil, but overcome evil with good.”
Hindi madali, pero may power ang pagpili ng tama kahit hindi tama ang naranasan mo.
At sabi rin sa Luke 6:35 NIV, “Love your enemies, do good to them…”
Hindi ito tungkol sa pagiging mahina. Ito ay tungkol sa pagiging in control sa sarili mong character.
“Don’t let the behavior of others destroy your inner peace.”
Hindi mo kontrol ang ugali ng ibang tao. Pero kontrolado mo kung paano ka tutugon.
Kaya kahit anong iparanas sa’yo ng iba, piliin mo pa rin maging mabuti. Hindi para sa kanila, kundi para manatili kang totoo sa kung sino ka.
Sa dulo, mas mahalaga na buo ang puso mo kaysa magbago ka dahil lang sa ginawa ng iba.