25/09/2026
“KAPAG AKO NANGAKO, TINUTUPAD KO”
— MAYOR ESTER HAMOR
Sa halip na Setyembre 26, pinalawig pa ng pamahalaang panlungsod ang panahon para sa mga nagtitinda sa tapat ng MetroHealth Hospital upang alisin ang pwesto, matapos mag-apela ang 15 na apektadong negosyante. Sa ilalim ng bagong kasunduan, bibigyan sila ng isa pang linggo hanggang 15 araw bago tuluyang lisanin ang nasabing lugar.
Ayon kay City Legal Officer Atty. Cyril Oropesa, anim na buwan na ang nakalilipas nung ipagbigay-alam sa mga nagtitinda na kailangang bakantehin ang espasyo.
Naglakas-loob naman ang mga nagtitinda dahil anila'y kanila ring binabayaran ang renta sa nasabing lugar. Kasabay nito, umapela na rin sila ng maaaring maibigay na alternatibo ng lokal na pamahalaan, upang maipagpatuloy ang pagnenegosyo na siyang kaagapay nila sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Ayon kay Joan Lasin, Pangulo ng City Food Vendors Association simula pa lang nung sila ay humingi ng pahintulot sa pamahalaang makapaglagay ng maliliit na tindahan, mariing ipinaliwanag sa kanila na hindi permante ang kanilang pamamalagi rito. Kung kaya't bilang paghahanda sa pagbubukas at paggamit ng bagong gusali ng City Hall, hindi sila sasalungat sa mga pamamaraan ng LGU basta't isasaalang-alang din ang kanilang kapakanan at mabigyan pa rin ng palugit ng paglilipat.
Dahil dito, inihayag ni Mayor Ma. Ester Hamor ang mga sumusunod na tulong at pangako para sa kanila na tig-P20,000 na tulong para sa bawat apektadong nagtitinda. Mayroon ring
permanenteng pwesto na itatayo sa likuran ng bagong City Hall kung saan maaari silang magpatuloy sa paghahanapbuhay. At para naman sa pansamantalang pupwestuhan, siniguro nilang makikipag-ugnayan muna ang pamahalaan sa pamilyang Borromeo, may-ari ng katabing lupa, upang pansamantalang makapwesto ang mga nagtitinda habang naghihintay ng tamang panahon na maiproseso ang pagtatayo ng hilerang bagong tindahan.
“Walang dapat ipag-alala. Kapag ako nangako, tinutupad ko ito.” — pahayag ni Mayor Hamor.
Samantala, nagpasalamat naman si Lasin sa administrasyon lalung-lalo na kay Mayor Hamor sa pang-unawa at walang-sawang pagtulong ng alkalde sa kanilang hanay.
✍️ Carol Lotino Delgado
📹 Bicol TV Sorsogon
PapaMakii Gomez Rosauro V. Amistoso Rosana Amistoso Licup Budz Dukie Dante Diata Jan Mykel Solano Joey Enalpe LADY GUARD VLOGGER/moto charity vlog