Prime FM

Prime FM Prime Broadcasting Network (PBN) is a broadcast radio network in the Philippines.

It operates a number of stations across the country, mostly under the Prime Fm brand, as well as the flagship syndicated health and wellness program Dok Alternatibo

25/05/2026

WATCH: Senadora Imee Marcos, iprinisenta sa plenary session sa senado ang umano'y planong term extersion ng administrasyon.

Courtesy: Senator Imee R. Marcos

MALACAÑANG, DINIPENSAHAN ANG PAGKAKATALAGA KAY MABILOG SA DILGDinepensahan ng Malacañang ang pagtalaga ni Pangulong Ferd...
25/05/2026

MALACAÑANG, DINIPENSAHAN ANG PAGKAKATALAGA KAY MABILOG SA DILG
Dinepensahan ng Malacañang ang pagtalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog bilang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Si Mabilog ay hayagang iniuugnay noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga kaya umalis ito ng bansa noong kasagsagan ng drug war.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, walang legal na hadlang sa pagtatalaga kay Mabilog dahil walang napatunayang kaso laban dito.
Sinabi rin ni Castro na kung may matibay na ebidensiya noon laban kay Mabilog, dapat matagal na itong naiharap sa korte at hindi nanatiling alegasyon lamang ang ibinabato sa kaniya.

KAMPO NI SEN. PADILLA, ITINANGGI ANG PAGPAPAPIRMA NG NON-DISCLOSURE AGREEMENT SA MGA STAFF NITO PARA HINDI MAGSALITA TUN...
25/05/2026

KAMPO NI SEN. PADILLA, ITINANGGI ANG PAGPAPAPIRMA NG NON-DISCLOSURE AGREEMENT SA MGA STAFF NITO PARA HINDI MAGSALITA TUNGKOL SA MAY 13 SHOOTING INCIDENT
Itinanggi ng opisina ni Senator Robinhood Padilla ang alegasyong pagpapapirma ng non-disclosure agreement (NDA) sa mga staff ng senador.
Lumabas ang isyu ng pagpapatahimik sa mga staff upang hindi magsalita ang mga ito tungkol sa nangyaring barilan sa Senado noong May 13.
Ayon kay Chief of Staff Atty. Philip Jurado, walang direktiba si Padilla tungkol sa pagpapapirma ng NDA sa mga staff member.
Kung totoong may mga staff aniya na sinasabing lumagda ng NDA, ang mga ito ang dapat na matanong dahil sila lamang din ang makapagsasalita sa isyu.
Gayunman, kinumpirma umano ng kanilang finance officer na may ibang empleyado ang humingi ng first-aid kit.
At dahil ang kanilang finance officer ang mag direkta at personal knowledge sa naging transaksyon, iminungkahi ni Jurado na ito na lamang ang tanungin.

20 KILONG SHABU, NASABAT SA CEBU; DALAWA, ARESTADOArestado ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)...
25/05/2026

20 KILONG SHABU, NASABAT SA CEBU; DALAWA, ARESTADO
Arestado ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP) ang dalawang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Gaway-Gaway, Barangay Uling, Naga City, Cebu.
Kinilala ang mga suspek na sina alias Romy, 57 years old ,isang electrician, at si alias Dante, 47 years old isang construction worker ,parehong taga-Laguna.
Narekober sa kanila 20 vacuum-sealed packs na may timbang na 20 kilograms na shabu at tinatayang nagkakahalaga ng 136 million pesos.
Ang mga nasabing ebidensya ay isinumite sa PDEA 7 Regional Office Laboratory para sa tamang disposisyon habang ang mga suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng PDEA 7 sa Lahug, Cebu City.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sakaling mapatunayang guilty maaari itong maharap sa habang buhay na pagkakakulong at multa ng nasa P10 milyon.

LACSON, NILINAW NA HINDI SIYA ANG BLUE RIBBON VICE CHAIRNilinaw ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi siya ang  vice...
25/05/2026

LACSON, NILINAW NA HINDI SIYA ANG BLUE RIBBON VICE CHAIR
Nilinaw ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi siya ang vice chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee at hindi pa umano natatapos ang reorganisasyon at pormal na halalan ng mga miyembro ng komite sa Senado.
Ayon kay Lacson, bukas siya maging bahagi ng komite ngunit hindi niya nakikitang katanggap-tanggap na tanggapin ang posisyon bilang vice chair kung ito ay ialok sa kanya.
Giit pa niya, inaasahan din na hindi umano ito magiging pabor para sa mga miyembro ng kasalukuyang mayorya, lalo na’t wala umanong lumagda mula sa kanila sa naunang partial committee report ng Blue Ribbon.
Inamin din ng beteranong senador na mas pinipili niyang gampanan lamang ang kanyang tungkulin kahit pa humantong ito sa batikos o pagkakaroon ng bagong kalaban sa pulitika.
Pinabulaanan din ni Lacson ang mga paratang na pinoprotektahan umano niya si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga alegasyon sa flood control scam, at iginiit na wala siyang personal na koneksyon dito.
Sa kasalukuyan ang naitalaga si Senator Pia Cayetano na bagong Chairperson ng Blue Ribbon Committee ngunit wala pang opisyal na pahayag ang senadora ukol sa mga susunod na hakbang hinggil sa imbestigayon ng flood control scam.
Samantala, sa gitna ng mga isyung bumabalot sa Senado, nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa patuloy na kontrobersiya habang naghahanda ang kapulungan bilang impeachment court para kay Vice President Sara Duterte.
Binigyang-diin niya na layunin ng minorya na maibalik ang tiwala ng publiko sa institusyon at sa tinawag niyang “Senate of old.”

BAGONG KUDETA UMANO SA SENADO IKINAKASA; GATCHALIAN ITINUTULAK NA IPALIT KAY CAYETANOPosibleng hindi pa tapos ang sigalo...
25/05/2026

BAGONG KUDETA UMANO SA SENADO IKINAKASA; GATCHALIAN ITINUTULAK NA IPALIT KAY CAYETANO
Posibleng hindi pa tapos ang sigalot sa Senado matapos umugong ang usapin tungkol sa panibagong umano’y kudeta sa liderato ng Mataas na Kapulungan, kung saan itinutulak si Senator Sherwin Gatchalian na maaring pumalit kay Senator Alan Peter Cayetano bilang Senate president.
Sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Senado, sinabi nina Senator Francis “Kiko” Pangilinan at Senator Panfilo “Ping” Lacson na si Gatchalian ang nakikita nilang maaaring pagkaisahan ng mas maraming senador upang muling pag-isahin ang kapulungan.
Ayon kay Pangilinan, suportado ng “Solid Bloc 11” si Gatchalian para mamuno sa Senado, habang sinabi naman ni Lacson na may kakayahan at karanasan ito upang maibalik ang kredibilidad ng institusyon matapos ang magkakasunod na kontrobersiya nitong mga nakaraang araw.
Bagama’t walang direktang kumpirmasyon na may nakaambang panibagong pagpapalit ng liderato, lumalabas na hindi pa rin ganap na matatag ang bagong mayorya na nabuo matapos mapatalsik si dating Senate president Vicente “Tito” Sotto IIInoong Mayo 11.
Kasunod ito ng sunod-sunod na isyu sa Senado kabilang ang naganap na putukan sa loob ng gusali, mga tanong sa seguridad, at ang kontrobersyal na pagtakas ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa kustodiya ng Senado.
Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na handa siyang akuin ang pamumuno sa Senado kung kinakailangan, lalo na sa harap ng nakaambang paglilitis sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Aminado rin siyang malaking dagok sa imahe ng Senado ang mga kaguluhang nangyari nitong nakaraang linggo.
Sa huli, igiiit ng minorya, kailangang maibalik ang dignidad at tiwala ng publiko sa Senado habang tinitiyak na magiging patas at walang kinikilingan ang paghawak sa impeachment trial laban sa bise presidente.

BABAE, BINARIL SA PADADA, DAVAO DEL SURSugatan sa pamamaril ang isang babae sa Purok 2, Barangay Southern Paligue, Padad...
25/05/2026

BABAE, BINARIL SA PADADA, DAVAO DEL SUR
Sugatan sa pamamaril ang isang babae sa Purok 2, Barangay Southern Paligue, Padada, Davao del Sur noong gabi ng Mayo 22, 2026.
Ayon sa ulat ng Padada Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-7:57 ng gabi.
Nakilala ang biktima sa alyas na “Fe”, nasa hustong gulang.
Sa paunang imbestigasyon, lumabas na kasama ng saksi na nakilalang si alyas “Ritchie” ang biktima habang bumibiyahe sakay ng payong-payong patungo sa Barangay Punta Piape.
Ayon sa saksi, napansin umano nito ang isang itim na Rusi na motorsiklo na may sakay na dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal na sumusunod sa kanila bago nangyari ang insidente. Pagsapit sa Kawayan, Barangay Southern Paligue, umano’y ilang beses na pinaputukan ng back rider ang biktima bago tumakas patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.
Agad na isinugod sa Davao del Sur Provincial Hospital upang mabigyan ng agarang medikal na lunas na ngayo'y nasa stable na ang kalagayan.
Samantala, nagsagawa na ng hot pursuit operation ang Padada MPS at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang mga suspek na responsable sa krimen.

6 PA IISYUHAN NG ICC ARREST WARRANT – MATIBAGAnim pang perso­nalidad ang isusunod kay Sen. Bato dela Rosa na iisyuhan ng...
25/05/2026

6 PA IISYUHAN NG ICC ARREST WARRANT – MATIBAG
Anim pang perso­nalidad ang isusunod kay Sen. Bato dela Rosa na iisyuhan ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) na ilalabas sa mga susunod na araw.
Ito ang inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na sinabi pang ang pag-aresto kay Bato ay itinuturing nilang ‘test case’ sa kanilang mga operatiba.
Si dela Rosa na dating PNP chief ang itinuturing na chief architect sa madugong drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte habang ang anim pang mga kilalang personalidad ay sangkot din umano sa extra judicial killings (EJK) sa drug war.
Ayon pa kay Matibag, hindi magtatagal ay mahuhulog din sa NBI operatives si dela Rosa dahil may sinusundan na silang lead sa pinagtataguan nito.

LEGAL COUNSEL NI SEN. DELA ROSA, TINUTULAN NA ARMADO AT MAPANGANIB ANG MAMBABATAS Mariing itinanggi ng kampo ni Senator ...
25/05/2026

LEGAL COUNSEL NI SEN. DELA ROSA, TINUTULAN NA ARMADO AT MAPANGANIB ANG MAMBABATAS
Mariing itinanggi ng kampo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na inilarawan ang senador bilang “armado at mapanganib,” kasabay ng paglilinaw na walang matibay na batayan ang naturang alegasyon.
Ayon sa abogado ng senador na si Atty. Israelito Torreon, hindi makatwiran ang naturang paglalarawan at hindi ito nakatutulong sa maayos na pagresolba ng mga isyung legal na kinakaharap ng mambabatas.
Giit niya, ang senador ay isang halal na opisyal na kumikilos nang mahinahon at sumusunod sa naaayon sa kanyang tungkulin bilang lingkod-bayan.
Sa panig naman ng NBI, iginiit ng ahensya na bahagi ito ng standard operational protocol sa mga operasyon laban sa mga indibidwal na pinaghahanap ng batas.
Nanawagan din ang kampo ni Dela Rosa sa mga awtoridad na magpakita umano ng pasensya habang hinihintay ang magiging pasya ng Korte Suprema kaugnay ng kanilang inihaing mosyon para baliktarin ang naunang desisyon na tumanggi sa interim relief.

5-ANYOS NA TINANGAY NG BAHA, NATAGPUANG PATAY SA BARMM Patay nang natagpuan ang isang 5-anyos na batang babae matapos it...
25/05/2026

5-ANYOS NA TINANGAY NG BAHA, NATAGPUANG PATAY SA BARMM
Patay nang natagpuan ang isang 5-anyos na batang babae matapos itong mawala sa loob ng tatlong araw sa Barangay Central Labas, Kadayangan, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kinilala ang biktima na si Jasmine, residente ng Poblacion Libungan, North Cotabato.
Una itong naiulat na nawawala matapos aksidente umanong mahulog sa isang sapa dahilan upang tangayin ito ng rumaragasang tubig-baha.
Agad namang nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga rescue team, ngunit tumagal pa ng ilang araw bago natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.
Dahil dito, labis na kalungkutan ang nararamdaman ngayon ng pamilya at mga kaanak ng bata bunsod ng biglaang pagkamatay nito.

MAYOR BASTE, MAY “BAD JOKE” KAY SEN. BATO Nagbigay ng pahayag si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa k...
25/05/2026

MAYOR BASTE, MAY “BAD JOKE” KAY SEN. BATO
Nagbigay ng pahayag si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte hinggil sa kinakaharap na warrant of arrest ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC).
Sa talumpati niya sa “Rage Coalition” event sa Mindanao, pabirong sinabi ng alkalde na nalulungkot siya sa posibilidad na tuluyang maaresto si dela Rosa at maipadala sa The Hague, ngunit sa isang banda masaya umano siya dahil magkakaroon na ng kasama ang kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakadetine sa ICC detention facility na may kinakaharap na kasong crimes against humanity.
Si Dela Rosa ay kilala bilang isa sa mga pangunahing tagapagpatupad ng kontrobersyal na kampanya kontra droga noong panahon ng administrasyong Duterte bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Address

Dok Alternatibo Prime Complex, Sugar Road, Brgy. Tiguman
South Digos

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Prime FM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Prime FM:

Share