22/06/2026
Kung mapapanood nyo yung Juvenile Justice sa Netflix, don yung mga magulang ng mga batang nakagawa ng krimen, dumadaan din sa counselling. Dapat ganito din dito satin. Dahil minsan ang violence, nag-uumpisa sa sariling tahanan.
Sunud sunod na violent incidents sa mga paaralan, sino nga ba ang dapat managot?
Ang paaralan ba dahil sa kakulangan ng security?
Ang mga g**o ba dahil nasa pangangalaga nila ang mga bata kapag nasa school na?
O ang mga magulang na syang dapat unang humuhubog sa pagkatao ng anak nila?
I think it's really time na i-reform na ang Juvenile Justice sa bansa. Dahil pabata na nang pabata ang mga gumagawa ng krimen at parang wala na silang mga takot.
As a mom of four na lahat nag-aaral na, sino ang poprotekta sa mga anak ko kapag hindi nila ako kasama?
This is so alarming na. Kaya sana sa mga nakaupo dyan, galaw galaw na po!