08/07/2026
Ngayong National Disaster Resilience Month, hindi lang evacuation plan ang dapat handa—pati na rin ang ating mental health. Sa gitna ng unos, may mga sugat na hindi nakikita tulad ng takot at trauma.
Dito mahalaga ang ating 279,000+ Barangay Health Workers (BHWs). Sila ang ating "community anchors." Sa Project ER-WIN, sinisiguro nating ang ating mga BHW ay handang maging "early support connectors" para sa kalusugan ng isip.
Bakit mahalaga ang mental health preparedness?
1. Mas mabilis ang pagbangon kung matatag ang loob.
2. Maiiwasan ang trauma sa maagang pakikinig at pagdamay.
3. May malinaw na referral pathway patungo sa propesyonal na tulong.
Ang tunay na resilience ay nagsisimula sa pagkalinga sa isa't isa. Sa tulong ng BHWs, hindi ka nag-iisa sa gitna ng krisis.
Maagang alalay. Tamang tulong. Dahil ang matatag na isipan ay pundasyon ng matatag na bansa.