JAM Quotes,Poems,Lots for sale,House and lot for sale etc

JAM Quotes,Poems,Lots for sale,House and lot for sale etc Poem,quotes,Lots for sale,House and lot for sale...etc.

08/01/2023

Mas magiging masakit ang lahat para sa iyo,
Kung di mo tatanggapin nang maluwag sa puso mo...
JAM💞😊

08/01/2023

:

Dati kapag may nawala o nasira akong gamit,sobrang sama ng loob ko.Halos magwala ako sa galit lalo na kapag mahalaga ang bagay na yun.Pero ngayon nasanay na ako.Mapapagtanto pala natin na habang tumatagal ,kapag may nawala o nasira mapapalitan nang mas mainam at hanggang doon na lang talaga yun.Katulad ng mga taong nagdaan sa buhay natin,habang nagkakaedad tayo may mga nawawala at may mga dumarating.

Natututo tayong maging kuntento sa kung sino ang mga mananatili at tanggapin na may mga panahon na mawawala talaga ang mga taong mahalaga sa atin.Wala talagang permanente sa mundo.Masakit pero ganoon naman talaga ang buhay,"Life must go on".Kahit na sino pa ang mawala.Pinatatatag tayo ng panahon sa mga nangyayari sa buhay natin.

Maging bukas tayo sa katotohanan para mas madaling tanggapin at humilom ang mga sugat.Maikli lamang ang buhay,piliin nating maging masaya.Basta wala kang naaapakang mga tao.Ang mahalaga hindi tayo iniiwan ng Diyos at ng pamilya natin at lalong- lalo na ang sarili natin.

Marami pang pagsubok ang naghihintay sa atin pero pagkatapos ng mga pagsubok may kasunod na blessings.Sangkap na ng buhay ang mga ito.Hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok ng hindi natin mapagtatagumpayan.Tanggapin natin Siya sa ating puso bilang Sariling Tagapagligtas ng ating buhay.Siya lamang ang ating pag-asa.Be strong always in the Lord.Cheers to eveyone!😊💞👌



💞👌

Photo credited to the owner..❤️

Address

Anao
Tarlac
2310

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JAM Quotes,Poems,Lots for sale,House and lot for sale etc posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share