04/08/2026
Ngayong araw, ating ginugunita si San Juan Maria Vianney, Pari, na kilala bilang huwaran ng kabanalan, kababaang-loob, at tapat na paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang Simbahan.
Sa kanyang buhay bilang isang masigasig na pastol ng kaluluwa, ipinamalas niya ang walang sawang pagmamahal sa Eukaristiya, Sakramento ng Kumpisal, at sa mga taong ipinagkatiwala sa kanya.
Nawa'y maging inspirasyon siya sa lahat ng mga pari at sa bawat mananampalataya upang manatiling tapat sa ating bokasyon at paglilingkod sa Panginoon.
San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami.