01/05/2026
Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa sinampay na damit sa isang apartment sa Cauayan City, Isabela. Nilimas ng mga suspek ang mga branded na damit na nagkakahalaga umano ng 19,000 pesos.
Naireport na sa pulisya ang insidente upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga salarin.