10/04/2025
Noong araw, maraming pamilya ang nagsasalo-salo sa dasal at pagkain habang nakaupo sa sahig, dulot ng hirap ng buhay. Kahit ang ulam ay kasing simple ng bagoong, asin, o nilagang saging at kamote, masaya sila dahil buo ang kanilang pamilya. Isang pirasong tinapay o pagkakataon na makatikim ng biscuit mula sa syudad, sapat na upang magpasaya sa kanila. Ang radyo ang nagsisilbing pangunahing libangan, nagdudulot ng kasiyahan at aliw sa simpleng buhay. Minsan, ang makapanood ng TV ay isa nang malaking kasiyahan, isang pagkakataon para makapagpahinga at magsaya. Bagamat mahirap at puno ng sakripisyo, ang kanilang buhay ay puno ng kapayapaan at pagmamahal. Marami sa kanila ang magsasaka, nagtatrabaho sa mga bukirin upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Ang mga pangarap nila ay simple—makasama ang pamilya, magkaroon ng tahimik na buhay, makakain ng tatlong beses sa isang araw, at makapaghanda ng masarap na pagkain paminsan-minsan. Subrang simple lang ng buhay noon, ngunit puno ng kaligayahan at kasiyahan sa mga maliliit na bagay
Photo courtesy of Raj Mariah