Isla Bareta

Isla Bareta news updates

KONSEHAL PEREYRA NANGUNA SA PANAWAGAN PARA SA ASF BAN SA CATANDUANESBATO, CATANDUANES — Nanguna si Bato Municipal Counci...
18/08/2026

KONSEHAL PEREYRA NANGUNA SA PANAWAGAN PARA SA ASF BAN SA CATANDUANES

BATO, CATANDUANES — Nanguna si Bato Municipal Councilor Hon. Dennis G. Pereyra sa panawagan para sa mas mahigpit na proteksiyon ng Catanduanes laban sa banta ng African Swine Fever o ASF, matapos niyang ihain ang isang resolusyon na humihiling ng pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng mga buhay na baboy at mga produktong gawa sa baboy sa lalawigan.

Ang resolusyon, na iniharap ni Pereyra bilang pangunahing tagapagpanukala, ay naglalayong maiwasan ang posibleng pagpasok at pagkalat ng ASF sa Catanduanes at maprotektahan ang lokal na industriya ng paghahayupan.

Kasama ni Pereyra bilang mga katuwang na tagapagpanukala sina Hon. Ely T. Tasarra at Hon. Renz Mickenly T. Tanael.

Kapansin-pansin sa naging talakayan ng Sangguniang Bayan ang pagbabago sa orihinal na panukala ni Pereyra.

Sa unang bersyon ng resolusyon, iminungkahi ang isang-buwang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng mga buhay na baboy at produktong baboy sa Catanduanes.

Gayunman, matapos ang mga mungkahi at talakayan ng buong Sangguniang Bayan, napagkasunduan na hindi sapat na itakda lamang sa isang buwan ang naturang hakbang.
Sa halip, iminungkahi ng buong katawan na ipatupad ang pagbabawal habang umiiral pa ang banta ng ASF.

Dahil dito, sa pinal na bersyon ng resolusyon, hinihiling ng Sangguniang Bayan ng Bato sa Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes, sa pamamagitan ni Gobernador Patrick Alain T. Azanza, na pansamantalang ipagbawal ang pagpasok sa lalawigan ng mga buhay na baboy at mga produktong gawa sa baboy sa tagal ng banta ng ASF.

Kabilang sa tinukoy sa resolusyon ang mga buhay na baboy, nagyelong karne ng baboy, mga produktong pinroseso mula sa baboy at iba pang kaugnay na produkto at bahagi ng baboy.
Ayon sa resolusyon, ang ASF ay isang lubhang nakahahawa at nakamamatay na sakit na dulot ng virus na umaapekto sa mga alagang baboy at ligaw na baboy.

Kapag nakapasok sa isang lugar, maaari itong magdulot ng malaking pinsala sa mga nag-aalaga ng baboy, kabuhayan ng mga magsasaka, suplay ng pagkain at lokal na ekonomiya.

Para kay Pereyra at sa Sangguniang Bayan ng Bato, mahalaga ang pag-iwas bago pa man magkaroon ng outbreak sa lalawigan, lalo na't isang isla ang Catanduanes at nakasalalay sa mahigpit na pagkontrol sa mga pumapasok na hayop at produktong pang-agrikultura ang proteksiyon sa lokal na industriya.

Layunin ng resolusyon na mapanatili ang kaligtasan ng lokal na populasyon ng baboy, maprotektahan ang kabuhayan ng mga hog raiser, at maiwasan ang posibleng malaking pinsalang maidulot ng ASF sa sektor ng agrikultura.
Ang resolusyon ay ipinadala sa Tanggapan ng Gobernador ng Catanduanes, Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo, Kagawaran ng Agrikultura – Rehiyonal na Tanggapan Blg. 5, at iba pang kinauukulang tanggapan at ahensya para sa kanilang impormasyon, pagsasaalang-alang at kaukulang aksyon.

Samantala, mahalagang tandaan na ang resolusyon ay isang pormal na kahilingan mula sa Sangguniang Bayan ng Bato at hindi pa nangangahulugang awtomatiko nang ipinatutupad ang pagbabawal sa buong lalawigan. Nakasalalay pa rin sa kaukulang aksyon ng Pamahalaang Panlalawigan at mga kinauukulang ahensya ang pagpapatupad nito.

Nagkakaisang inaprubahan ang resolusyon noong Agosto 18, 2026 sa Bato, Catanduanes.
Sa pamamagitan ng hakbang na ito, nais ni Pereyra at ng Sangguniang Bayan ng Bato na maagang makapaglatag ng pananggalang upang maprotektahan ang isa sa mahahalagang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Catanduanon—ang lokal na industriya ng paghahayupan.

CONG. LEO RODRIGUEZ INILAHAD ANG MGA NAISULONG NA BATAS AT PROGRAMA SA 4TH ULAT SA DISTRITO  VIRAC, Catanduanes — Inilah...
22/07/2026

CONG. LEO RODRIGUEZ INILAHAD ANG MGA NAISULONG NA BATAS AT PROGRAMA SA 4TH ULAT SA DISTRITO

VIRAC, Catanduanes — Inilahad ni Lone District Representative Eulogio "Leo" Rodriguez ang mga pangunahing panukalang batas, pondong nakuha, at mga programang naipatupad para sa lalawigan sa kanyang 4th Ulat sa Distrito na ginanap nitong Miyerkules, Hulyo 22, sa Catanduanes State University (CatSU) Gymnasium sa Virac.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat ang kongresista sa patuloy na suportang ibinigay sa kanya ng mga Catandunganon sa kanyang ikalawang termino bilang kinatawan ng lalawigan.

Ayon kay Rodriguez, sa unang taon ng kanyang kasalukuyang termino ay nakapaghain at nakasuporta siya sa kabuuang 186 na panukalang batas, kabilang ang 25 pangunahing panukala na sumasaklaw sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, pangingisda, enerhiya, transportasyon, at kapakanan ng mga senior citizen.

Kabilang sa kanyang mga prayoridad ang panukalang magbibigay ng educational subsidy sa mga kwalipikadong mag-aaral sa pribadong paaralan, pagtatatag ng CatSU Pandan Campus, pag-convert ng CatSU Panganiban bilang regular campus, at modernisasyon ng Cabugao School of Handicraft and Cottage Industries.

Sa sektor ng agrikultura, binigyang-diin din niya ang mga panukalang magpapalakas sa industriya ng abaca at ang pagtatatag ng Multi-Species Marine Hatchery and Research Center sa CatSU Panganiban Campus bilang suporta sa mga mangingisda at estudyante.

Ipinahayag din ng kongresista ang pagsusulong ng pagtatatag ng MARINA Extension Office sa Virac, karagdagang LTO Office sa Viga, at ang Camarines Sur–Catanduanes Friendship Bridge na layuning mapalakas ang koneksyon ng lalawigan sa mainland Bicol.

Sa usapin ng kalusugan, isinulong ang pag-convert ng Eastern Bicol Medical Center bilang tertiary-level hospital sa ilalim ng Department of Health, habang patuloy ding isinusulong ang legislative franchise ng FICELCO at iba pang hakbang upang mapabuti ang suplay ng kuryente sa Catanduanes.

Iniulat din ni Rodriguez ang mga naging hakbang upang matugunan ang energy crisis sa lalawigan, kabilang ang paglalagay ng karagdagang generator sets at ang pagsusulong ng submarine cable project na mag-uugnay sa Catanduanes sa Luzon Grid.

Bukod sa mga panukalang batas, sinabi rin ng kongresista na nakapag-secure siya ng humigit-kumulang ₱4 bilyong pondo mula sa iba't ibang ahensya ng pambansang pamahalaan para sa mga proyektong pang-imprastraktura, kalusugan, edukasyon, agrikultura, transportasyon, at iba pang serbisyong pampubliko.

Kabilang sa mga iniulat na programa ang medical assistance para sa mga pasyente, educational assistance, scholarship grants, TUPAD, Government Internship Program, TESDA scholarships, Passport on Wheels, PRC Mobile Services, at iba pang direktang serbisyong inilapit sa mga mamamayan ng Catanduanes.

Iniulat din ang pamamahagi ng iba't ibang kagamitan at tulong gaya ng water pumps, computers, telebisyon, wheelchairs, sports equipment, mga bangka para sa mangingisda, at iba pang assistance para sa mga komunidad at mga naapektuhan ng kalamidad.

Sa pagtatapos ng kanyang ulat, hinikayat ni Rodriguez ang mga Catandunganon na magkaisa sa pagsusulong ng pag-unlad ng lalawigan.

"Burunyog kita," ani Rodriguez, kasabay ng panawagang isantabi ang hidwaan at magtulungan upang maipagpatuloy ang mga programang magpapabuti sa buhay ng bawat Catandunganon.

Dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga pinuno ng iba't ibang ahensya ng gobyerno, mga sektor ng edukasyon, at iba pang panauhin ang naturang pagtitipon na nagtapos sa pananghalian para sa mga dumalo.

Via Isla Bareta

Opisyal na Pahayag ni Boboy CuaNagpaluwas nin opisyal na pahayag si dating Gobernador Boboy Cua matapos na magluwas nin ...
15/07/2026

Opisyal na Pahayag ni Boboy Cua

Nagpaluwas nin opisyal na pahayag si dating Gobernador Boboy Cua matapos na magluwas nin impormasyon na may nakaluwas na warrant of arrest laban sa saiya kaugnay kan kasong may koneksyon sa umano'y paglabag sa Presidential Decree No. 1096 o an National Building Code of the Philippines.
Sa saiyang pahayag, sinabi ni Cua na boluntaryo siyang nagpresentar sa mga awtoridad asin nag-post nin piyansa bilang pagrespeto sa proseso kan batas. Iginiit man niya na hahampangon niya an kaso asin padagos an saiyang pagtitiwala sa due process.

Segun saiya, an reklamo naggikan sa limang taon nang reklamo may koneksyon sa construction activities kan Palnab Shipyard na sinasabing may kakulangan sa building permit.

Kasabay kaini, ipinahayag man ni Cua an saiyang pagkabahala sa umano'y paglabag sa Data Privacy matapos an impormasyon sa kaso magluwas bago pa man siya makakua nin kopya kan investigation report. Sinabi niyang hihilingon ninda an kaukulang aksyon agud mapanagot an sinumang responsable asin malikayan na ini mangyari sa iba.
Iginiit man ni Cua na an presumption of innocence applies pa man sa saiyang kaso asin sinabi na padagos na pinag-aaralan kan saiyang legal counsel an mga susunod na hakbang.

Sa pagtatapos kan saiyang pahayag, nagpasalamat si Boboy Cua sa mga nagpaabot nin suporta asin concern, asin nag-apela sa publiko na magpadagos sa pagrespeto sa proseso kan batas, magpalaganap nin kapayapaan imbes na pagkamuot, asin magtinabangay para sa mas matuninong Catanduanes.

📷📄Boboy Cua

PBM Xyrell Albaniel, Iginiit na Serbisyo sa Catandunganon ang Pinairal sa Gitna ng Alitan sa CapitolyoVIRAC, CATANDUANES...
24/02/2026

PBM Xyrell Albaniel, Iginiit na Serbisyo sa Catandunganon ang Pinairal sa Gitna ng Alitan sa Capitolyo

VIRAC, CATANDUANES — Sa gitna ng umiinit na alitan sa pagitan ng Legislative at Executive branches ng pamahalaang panlalawigan, lumutang ang pangalan ni PBM Xyrell T. Albaniel bilang pangunahing tagapagtaguyod ng dayalogo at pagkakasundo.

Si Albaniel ang unang nag-initiate ng pag-uusap sa pagitan ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes at ng pamunuan ng Gov. Patrick Azanza, matapos ang serye ng hindi pagkakaunawaan kaugnay ng mga isyung pampananalapi, kabilang ang Annual Budget ng lalawigan.

Ayon sa mga impormasyong nakalap, personal na nakipag-ugnayan si PBM Albaniel sa gobernador upang maisaayos ang iskedyul ng mga pagpupulong. Dalawang beses itong sinubukang isagawa—una sa tanggapan ng gobernador at ikalawa sa ARDCI—subalit limitado ang dumalong miyembro ng legislative branch.

Dahil dito, noong Lunes, February 23, opisyal na inimbitahan si Gov. Azanza sa regular na session ng Sangguniang Panlalawigan upang doon na talakayin nang harapan ang mga usapin, partikular ang Annual Budget. Ang naturang pagpupulong ay itinuring na matagumpay matapos ang bukas at direktang talakayan ng dalawang sangay ng pamahalaan.

Gayunman, matapos ang nasabing inisyatiba, napagitnaan si PBM Albaniel ng intriga at spekulasyon mula sa ilang kapwa Provincial Board Members na nagsasabing siya umano ay “nasa kabilang panig” na ng kasalukuyang administrasyon. Ang paratang ay inuugnay sa kanyang naging papel bilang tulay ng Legislative at Executive.
Matatandaang noong nakaraang eleksyon, si Albaniel ay nakahanay sa grupo ni Peter Boss Te Cua, dahilan upang muling buhayin ng ilan ang usapin ng political alignment.

Sa panayam, mariing itinanggi ni PBM Albaniel ang mga akusasyon at nilinaw ang kanyang paninindigan.
“Wala ito sa kulay o grupo. Ginawa ko lang ang aking tungkulin bilang isang totoong naglilingkod para sa mga Catandunganon. Ang mahalaga ay maayos ang lahat,” ani Albaniel.

Para sa ilang political observers, ang ginawa ni PBM Albaniel ay isang bihirang halimbawa ng statesmanship sa lokal na pulitika—isang hakbang na inuuna ang kapakanan ng lalawigan kaysa sa hidwaan ng mga paksyon.

Sa kasalukuyan, umaasa ang maraming Catandunganon na magsilbing simula ang nasabing dayalogo upang tuluyang maresolba ang mga natitirang isyu sa Capitolyo at maipagpatuloy nang maayos ang mga programang panserbisyo ng pamahalaang panlalawigan.

16/10/2025

ULAT SA BAYAN-100 DAYS REPORT of Mayor Sinforoso "Posoy" Sarmiento

OCT. 9, 2025

Address

Virac, Catanduanes
Virac
4800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Isla Bareta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share