Minda Tech

Minda Tech More freedom to post thoughts, moods, art, or aesthetic stuff without judgment.

"Isang Matinding Pagkakanulo: Inabandona ng SMRC ang Agusan 8"Habang tuluyan nang humihina ang pwersa ng Southern Mindan...
24/06/2025

"Isang Matinding Pagkakanulo: Inabandona ng SMRC ang Agusan 8"

Habang tuluyan nang humihina ang pwersa ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), muling napatunayan ang tunay na mukha ng kilusang armado—isang kilusan na handang isakripisyo ang sarili nilang mga kasamahan kapalit ng pansariling interes.

Kamakailan, walong ( 8 ) miyembro ng CTG ang nahuli matapos silang utosan ng liderato ng SMRC na buhayin ang nalalabi nilang presensya sa Davao Oriental (DOR), Surigao del Sur (SDS) at Agusan del Sur (ADS). Ngunit sa halip na suportahan sila, iniwan silang tuluyang mahulog sa kamay ng batas. Bakit? Dahil nabigo silang makamit ang imposibleng utos ng kilusan—ibalik ang kontrol sa mga lugar na matagal nang naibalik sa gobyerno at komunidad.

Dahil wala silang mapapala kung sila ay parurusahan sa ilalim ng kanilang “kangaroo court”, sila ay minabuting gamitin bilang 'sakripisyo' para sa bagong propaganda ng kilusan. Dahil ang Agusan 8 ay bigo sa kanilang misyon, sila ay mas nakakabuting gamitin sa propaganda upang makapanghikayat ng bagong rekrut na ipapalit at “i-immerse” sa kabundukan.

Habang naglalabas ng mga pahayag ang KARAPATAN at ANAKBAYAN sa social media, gamit ang mga larawan at kwento ng kanilang mismong isinuko, ang totoo'y isa itong desperadong pagtatangka na gamitin ang walo sa panghihikayat ng mga prospek na mga kabataang maaring linlangin.

Sa mga tumutugon sa kanilang mga post, mag-ingat. Hindi pagdamay ang tunay na layunin nila—kundi paghikayat, panlilinlang, at rekrutment. Dahil sa bawat komento at simpatya, isang bagong biktima na naman ang kanilang susubukang bitagin para gamitin sa kanilang desperadong pagbawi ng 'ground' sa DOR, SDS at ADS. Ito sana ay maging babala sa mga magulang na bantayan ang inyong mga anak, at suriin ang mga reaksyon kong isa na ang inyong mga anak sa nagrereact.

Sa paggamit sa Agusan 8, hindi ito laban ng ideolohiya. Isa itong madugong laro ng kapangyarihan—at kung kailan ka hindi na kapaki-pakinabang, ikaw ay itatapon.

Huwag tayong paloko. Sa totoong laban para sa kapayapaan at hustisya, hindi kailanman isinasakripisyo ang kasama.

Para sa kamalayan ng nakakarami maari itong ipalaganap!

P.S. Bisitahin ang https://www.facebook.com/share/p/12MFj7z4Xjg/ https://www.facebook.com/share/p/1Po2HWcCSQ/ at suriin ang ilan sa mga profile ng mga nag like at nagreact sa kanilang pahayag. Baka ang isa dito ay iyong anak, kamag-anak, kaibigan o kapit-bahay. Ikaw, ay mapapaisip na tutuo nga, na sila ay prospek nan naman ng CPP-NPA!

15/05/2025

AYAW PAILAD SA CPP-NPA-NDF !!!

Ang ilang walay pulos nga pakigbisog naghatag og kasakit ug kadaut sa mga inosente, ilabi na sa kabataan, kababayen-an, ug mga lumad nga ilang gipanglimbongan ug gipanghimakak. Ang ideolohiya nga ilang gisunod wala naghatag og tinuod nga solusyon sa kalisod, kundili nagpadako pa sa kahadlok ug kasamok sa atong mga komunidad.

Gidasig namo ang katawhan nga makiglambigit sa kalinaw ug pagtinabangay, ug among hugot nga giusisa ug gisaway ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) tungod sa padayon nilang pagpakigbisog pinaagi sa radikal ug bayolenteng ideolohiya nga nagresulta sa daghang pagkawala sa kinabuhi.

Gihangyo namo ang nahabilin pa nga mga miyembro sa CPP-NPA nga hunongon na ang walay kapuslanan nga pakigbisog. Adunay gobyerno nga andam maminaw, motabang, ug motultol balik sa husto nga dalan pinaagi sa mga programa sa reintegrasyon ug kalambuan.

22/04/2025

Teroristang New Peoples Army walang pinipiling panahon para maghasik ng kaguluhan sa ating bansa.

Sa naganap na engkwentro kahapon sa lalawigan ng Masbate, patuloy pa rin ang karahasang isinusulong ng NPA na wala nang malinaw na adhikain kundi ang manggulo at maghasik ng takot sa ating mga kababayan. Kasama ang suporta ng mamamayan at determinasyon ng pamahalaan, unti-unti nang nabubuwag ang kanilang hanay. Ang sagupaan sa Masbate ay hindi lamang isang tagpo ng labanan, kundi isang patunay na patuloy na umiigting ang kampanya para sa tunay na kapayapaan.



17/04/2025

Address

Zamboanga City
7000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Minda Tech posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share