Revas vlogs

Revas vlogs Online business
Eloading business
Center loading station
Network marketing business
(2)

26/04/2026

Amen🙏
26/04/2026

Amen🙏

Goodnight ksaAlmighty God thank u for this day
26/04/2026

Goodnight ksa
Almighty God thank u for this day

( PAHAYAG 15 : 2 ) May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa ha...
20/04/2026

( PAHAYAG 15 : 2 ) May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa tabi ng dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

,"Dakila ang mga gawa ng Makapangyarihang Diyos! Kamangha-mangha! Kahanga-hanga! Tumunog ang pitong trumpeta, humayo ang pitong kulog, at ibinuhos ang pitong mangkok—ang mga ito’y agad na lantarang mabubunyag, at hindi magkakaroon ng pagdududa. Araw-araw ay dumarating sa atin ang pag-ibig ng Diyos. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin; kung makatatagpo tayo ng kasawian o ng pagpapala ay lubusang nakasalalay sa Kanya, at tayong mga tao ay walang paraan upang pagpasyahan ito. Yaong mga buong-pusong nag-aalay ng kanilang mga sarili ay tiyak na tatanggap ng saganang mga pagpapala, habang yaong mga naghahangad na pangalagaan ang kanilang mga buhay ay mawawalan lang ng kanilang buhay; ang lahat ng bagay at lahat ng usapin ay nasa mga kamay ng Makapangyarihang Diyos. Huwag na ninyong ihinto ang inyong mga hakbang. Dumarating ang malaking pagbabago sa langit at lupa, kung saan walang paraan ang tao para magtago. Wala siyang ibang pagpipilian kundi tumangis sa mapait na sakit. Sumunod ka sa gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon. Dapat maging malinaw sa loob mo ang tungkol sa hakbang kung saan umunlad ang Kanyang gawain, nang hindi na kinakailangang paalalahanan ng iba. Bumalik ka ngayon sa presensiya ng Makapangyarihang Diyos nang madalas. Hingin mo sa Kanya ang lahat. Tiyak na bibigyan ka Niya ng mga paghahayag sa loob mo at, sa mahahalagang sandali, pangangalagaan ka Niya. Huwag kang matakot! Pagmamay-ari na Niya ang iyong buong pagkatao. Sa Kanyang proteksyon at Kanyang pangangalaga, ano ang dapat mong katakutan? Malapit na ngayon ang katuparan ng kalooban ng Diyos, at sinumang matatakutin ay malamang na mabibigo lang. Ang sinasabi Ko sa iyo ay ang katotohanan. Idilat mo ang espirituwal mong mga mata. Maaaring magbago ang langit sa isang iglap. Ano ang dapat mong ikatakot? Sa bahagyang kumpas lang ng Kanyang kamay, kaagad mawawasak ang langit at lupa. Kaya’t anong mapapala ng tao sa pag-aalala? Hindi ba’t nasa kamay ng Diyos ang lahat? Kapag inutusan Niya na magbago ang langit at lupa, magbabago ang mga ito. Kapag sinabi Niya na gagawin tayong ganap, magagawa tayong ganap. Hindi kailangan ng taong mag-alala, kundi dapat mahinahong magpatuloy. Gayunpaman, hangga’t kaya mo, dapat kang makinig at maging mapagbantay. Maaaring magbago ang langit sa isang iglap! Gaano man kadilat ang mga mata ng tao, wala siyang gaanong makikita. Maging mapagmatiyag ka na ngayon. Naganap na ang kalooban ng Diyos, natapos na ang Kanyang proyekto, nagtagumpay na ang Kanyang plano, at nakarating na lahat ng Kanyang mga anak na lalaki sa Kanyang trono. Sama-sama silang hahatol sa lahat ng bansa at lahat ng lahi kasama ng Makapangyarihang Diyos. Yaong mga nang-uusig sa iglesiya at namiminsala sa mga anak na lalaki ng Diyos ay makatatagpo ng matinding kaparusahan: Tiyak iyan! Yaong mga taos-pusong nagkakaloob ng kanilang mga sarili sa Diyos, na nananangan sa lahat, tiyak na mamahalin silang lahat ng Diyos hanggang sa buong walang-hanggan, nang hindi kailanman nagbabago!

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I

( PAHAYAG 14 : 19 ) Kaya't ginamit ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan ng matinding p...
19/04/2026

( PAHAYAG 14 : 19 ) Kaya't ginamit ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan ng matinding p**t ng Diyos.

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

," Dadamputin ng Aking mga panganay na anak ang tungkod na bakal simula ngayon at sisimulang ipatupad ang Aking awtoridad na mamahala sa lahat ng bansa at bayan, lumakad sa gitna ng lahat ng bansa at bayan, at isagawa ang Aking paghatol, katuwiran, at kamahalan sa gitna ng lahat ng bansa at bayan. Ang Aking mga anak at Aking bayan ay katatakutan Ako, pupurihin Ako, ipagbubunyi Ako, at luluwalhatiin Ako nang walang patid, dahil natutupad ang Aking plano ng pamamahala at makapaghaharing kasama Ko ang Aking mga panganay na anak.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume I

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos “Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga p...
02/04/2026

Sabi Ng Makapangyarihang Diyos

“Nakatanggap na ba kayo ng mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Naghanap na ba kayo ng mga pangakong ginawa para sa inyo? Siguradong kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, siguradong hindi mawawala sa inyo ang liwanag na gumagabay sa inyo. Siguradong kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilikha. Siguradong kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Siguradong tatayo kayo, sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, sa gitna ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Siguradong kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at siguradong magniningning sa inyo ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob”

( Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19 ).

mula sa Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo ( Volume I )

11/01/2026
Tara guys tagay na
01/01/2026

Tara guys tagay na

Pasyal kmi KY father and mother
01/01/2026

Pasyal kmi KY father and mother

Address

Riyadh

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Revas vlogs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Revas vlogs:

Share