30/07/2022
These are things na dapat po natin iconsider sa pagrereplenish ng Load para po maiwasan natin ang pagiksi ng pasensya everytime na dedelay ang loadwallet natin.
Eto po ang sequence ng loading nating mga nagsubscribe kay TPC.
Si 👉RESELLER magpapaload kay Dealer.
Si 👉DEALER magpapaload kay MS
Si 👉MS magpapaload kay CS
Si 👉CS magpapaload sa Main.
-ibig sabhin habang naipapasa pataas ang request ng load mas lumalaki ang pressure "ibig sabhn mas marami ang sinasalo na request ng mga nasa taas gaya ng mga MS at CS at mas lalo na po ang main si👉TPC"
📌Bakit nadedelay ang Loadwallet replenish?
1.) PEAK DAY
Maaaring nataon ang request mo sa araw na malaki ang demand ng load. Like M-TH-FRI or weekends
-kung papansinin nyo po ang mga promo ng telcos ay good for 2days kaya maaaring malakas din ang bentahan ng mga reseller natin 3x a week. Kaya expect na po natin na kapag nagpaload ang mga reseller ng monday papaload ulit yan after 2days at kung maraming reseller ang nagpapaload kay DEALER ibabagsak lahat yan pataas sa MS AT CS hanggng sa MAIN.
2.) MANUAL CHECKING NG MGA DEPOSIT/
DOWN ANG SYSTEM NG MGA E-WALLET.
Ang mga padala po na pang bayad ng mga LC po natin ay through E-WALLET ACCOUNT-pagkahulog nyo po sa Mlwallet,paymaya,gcash ay isa isa po muna ito dapat icheck para makita kung pumasok ba ang pera,dahil minsan nagkakaroon ng rollback, kaya need po muna natin icheck kung pumasok ba talaga para maiwasan ang shortage. Kaya give time po tayo na maicheck muna ang resibo na sinend natin bago tayo loadan.
Madalas din po down ang system ng mga e-wallet. Kaya ang ngyayari hindi tayo makapag transfer ng pera dahil hindi po natin mapaikot ang FUND.
AT KUNG TAYONG MGA DEALER,MS,CS ay kelangan mag check ng resibo ganun din po ang MAIN kaya po natatagalan ang supply sa aming mga MS AT CS dahil manual po ang checking ng mga deposit namin and take note hindi lang po kami ang MS AT CS marami po kaya isipin nlng po natin kung gaano po ang pressure nitoo sa MAIN.
Meron din pong oras ang pagloload✌
ang CREDITING DEPARTMENT PO AY 8AM-8PM lang po, halimbawa kung naubusan po ang mga MS ng load sa gabi,magpapaload po muna ulit sila kinabukasan at kung naghulog ka ng early 8 sa MS mo ibig sabhn hindi ka muna nya maloloadan kasi naghhntay muna din sya na dumating ang load nya since 8am pa ang open expect after 8am ka pa maloloadan,pwede ka pa rin naman maloadan depende kung may naiwan na pondo si MS mo.
3. DOWN ANG SYSTEM NATIN.
Basta po pag sinabing system ngyayari po ito, kaya minsan hindi agad dumarating ang deposit namin kung down mismo ang system ni TPC-maaaring hindi nila mareceive ang mga load request namin or hindi sila makapagsend ng load sa mga nagdeposit sa knila.
4. MAAARING WALANG FUND.
Lahat po tayo na nagsubscribe kay TPC ay may responsibilidad na magpondo ng ating loadwallet, hindi po pwede na iasa ni RESELLER ang pondo nya kay DEALER, hindi rin po pwede iasa ni DEALER ang pondo nya kay MS, hindi rin po pwede iasa ni MS ang pondo nya kay CS at mas lalo pong hindi pwede iasa ang pondo sa MAIN.
"NO PAY NO LOAD" yan po talaga ang policy natin sa load replenishment.
Kaya minsan natatagalan mag supply si dealer sa reseller nya dahil wala itong fund, same reason pataas..
On the other hand, minsan nawawalan ng pondo si Dealer,MS,CS kung inuutang naman ang pondo nya dahil inaasa nga sa knya ang fund.
(Base sa akin karanasan, may mga dealer po tlaga ako na di ko matiis, ako ang nagpoprovide ng mga LC nila,reason why ako po ang naiipit✌) kaya po sana, this time kung seryoso po tayo kay TPC gawa po tayo ng paraan paano makakapag pondo, meron at meron pong paraan yan. Wag po natin ipasa ang pressure sa mga MS natin isipin nlng po natin gaano karami nagpapaload na dealer sa knila at malalaki pa ang amount✌
5.) TAO PO TAYO HINDI MACHINE😁
Kaya nadedelay po minsan ang load kasi tao po tayo hindi machine o robot,
Bukod sa negosyo natin may iba rin po tayong gngwa like GAWAING BAHAY o TRABAHO. Hindi po porke nakita natin online ang supplier natin eh nakatutok na ito sa cp nya. Kapag hindi pa naseseen ang message mo na nagpapaload ka ibg sabhn hindi nya pa alam kasi di nya d nya pa nababasa, kapag hindi nasagot ang tawag mo 2-3x ibig sabhn busy sya or may gngwa sya. Bgyan po natin ang bawat isa ng oras para sa iba nating gawain.
Ikaw bilang subscriber ay may loading hours dapat. Ngayon palang dapat may schedule ka na sa mga nagpapaload sayo para di ka nappressure or di nauubos ang oras mo sa kakaload.reminder lang po minor side lang po yan ng negosyo natin✌
CTTO